• Home
  • Fresh Scoops
  • Kris Aquino says the issue was really the competition between Vice Ganda's and Vic Sotto's respective noontime shows.

Kris Aquino says she and Vice Ganda have already made up after their 'tampuhan'

Kris Aquino says the issue was really the competition between Vice Ganda's and Vic Sotto's respective noontime shows.

BY
Krissa Donida

FRESH SCOOPS

01/16/2014 11:29 AM
Kris Aquino says she and Vice Ganda have already made up after their 'tampuhan'
011614-Kris-mainphoto.jpgAminado sina Kris Aquino at Vice Ganda na napektuhan kahit papaano ang kanilang pagkakaibigan dahil sa kumpetisyon sa kani-kanilang mga Metro Manila Film Festival entries na My Little Bossings at Girl Boy Bakla Tomboy. At ngayong tapos na ang festival, ayon sa kanila ay nakalipas na ang kumpetisyong nakaapekto sa kanila.

Sa panayam kay Kris, hindi kailanman natigil ang komunikasyon nila sa isa’t isa. “You know actually wala naman eh kasi our communication was constant all throughout that. Siguro dapat kasi i-emphasize ko lang na nauunawaan ko talaga that the rivalry is really not between the two of us but between his show and Vic’s (Sotto) show. It boils down to that, the noontime battle. And siguro marami na kaming napagdaanan ni Vice as friends na pwede naming tawanan and we can be so honest with each other like he can tell me ‘oh nainis ako diyan’ or ako sasabihin ko ‘oh sumbora kana diyan!’ Siguro in this world that type of honesty papahalagahaan mo.”

Kaya naman bilang bonding, matapos pumirma ni Kris ng kontrata sa ABS-CBN ay sinamahan niya ang kaibigan na maghanap ng bagong bahay. “Titingin nga kami ng bahay mamaya. Hindi bahay namin ah, bahay ni Vice. Hindi kasi sabi niya sa akin bago daw siya mag-decide ipapakita niya, tignan ko daw dahil kung lalait-laitin ko, di daw niya bibilhin so good luck sa broker. Tapos sinabi niya titignan niya rin ‘yung bahay ko. So ‘yun wala kaming problema at all.”

At dahil kagagaling lang nina Kris kasama ang mga anak sa London, ikwinento niya ang napagusapang bilin na pasalubong ni Vice. “Yes kasi sabi niya, ‘oh ang laki ng kinita mo, bilhan mo ako ng mahal na shoes.’ Tapos sabi ko ‘magregalo karin sa akin.’ Sabi niya ‘Ano? Baka mahal?’ Sabi ko ‘Mahal talaga kasi ang laki rin ng kinita niyo.’”

Nang gabi ding iyon ay nagpost si Kris sa kanyang Instagram account ng litrato nila ni Vice kasama ang ilang mga kaibigan sa kanyang bahay na tila nag-uusap at nagkukwentuhan.

Ibinahagi din ni Kris ang mga bagong aabangan sa kanyang hit morning show na Kris TV. “Ayun maraming mangyayari, Dubai is one. The Kris RealiTV in Dubai and I’m excited kasi first time, I’ve never been to Dubai so ‘yon. Kino-convince nila ako na sumakay ng camel sabi ko kakapirma palang tapos sasakay ako sa camel tapos nalaglag ako tapos nabagok ang ulo ko tapos namatay ako, kaya so sabi ko mas gusto ko ang desert safari. Tapos pupunta rin kami sa Abu Dhabi because of the Ferrari World and iba-ibang food adventures tapos souk, ‘yung market. ‘Yun ang mga pupuntahan namin. Ako ‘yung nag-suggest nito kasi sabi ko gusto kong malaman kung ano ang buhay ng mga nagta-trabaho do’n, side-by-side sa buhay ng mga Kapamilya nilang nandito na naiahon nila dahil sa sakripisyo nila. So that’s another aspect of the show na madadagdag. Hindi lang ‘yung all fun and games pero you’re also going to go deep down into humanity and ‘yung pagtutulungan ng mga magkakapamilya.”