• Home
  • Fresh Scoops
  • Daniel Padilla reveals the story behind the photo of himself and Kathryn Bernardo holding hands while sleeping.

Daniel Padilla speaks up about his 'sleeping' photo with Kathryn Bernardo

Daniel Padilla reveals the story behind the photo of himself and Kathryn Bernardo holding hands while sleeping.

BY
Krissa Donida

FRESH SCOOPS

01/14/2014 10:21 AM
Daniel Padilla speaks up about his 'sleeping' photo with Kathryn Bernardo
0111414-dANIEL_amainphoto.jpgSunod-sunod ang tagumpay ni Daniel Padilla, mula sa Metro Manila Film Fetival Entry na Pagpag kung saan kasama niya ang ka-love team na si Kathryn Bernardo, sa kanilang top-rating Primetime teleserye na Got To Believe at kabi-kabilang mga shows at endorsements. Sa kanyang pag-alis papuntang Singapore, trabaho pa rin ang kinakaharap ni Daniel. Nakapanayam siya ng Push.com.ph at ayon kay Daniel ang paglipad niya papuntang Singapore ay, “Taping for Got To Believe, at marami pa, may storya daw kaming gagawin na dun iikot.” Sa Miyerkules, January 15, ang balik ni Daniel dito sa Pilipinas.

Natanong din namin ang Teen King kung pagkakataon niya na rin bang makapagpahinga at nakapagbakasyon sa ibang bansa. “Ay naku, hindi, araw-araw ang trabaho. Mas malala pa yung trabaho dun.” Wala pa silang plano ni Kathryn Bernardo maglibot. Kasama din ang ina ni Kathryn na si Mommy Min sa Singapore. At kung makakapamasyal man sila o anuman, ayon kay DJ, “Kung may free time tignan natin.”

Kamakailan ay naging viral ang litrato na pinost ng Got To Believe Director na si Cathy Garcia-Molina sa kanyang Instagram account kung saan magkaholding-hands sila Kathryn at Daniel habang natutulog sa tila ba standby tent ng kanilang taping. Mabilis itong kumalat sa mga fans. Kaya naman nang matanong kay DJ ang tungkol dito, ang natatawang niyang sagot, “Ginawa ni Direk Cathy yun e. Sadya yun.”

Marami ding mga kinilig at natuwa sa photo post na iyon ni Direk Cathy. Kaya naman nang matanong si Daniel kung ano ang ibig sabihin noon, lalo pa at inamin nila kamakailan lang sa interview nila sa Buzz ng Bayan na exclusively dating na silang dalawa, ang tila pag-iwas ni Daniel sa pagkumpirma nito na para bang mas nagpapahiwatig ng kanilang mas malalim na pagsasamahan, “Wala, sinadaya lang namin ni Direk yun, walang ibig sabihin yun.”