• Home
  • Fresh Scoops
  • Iza Calzado says she isn't surprised anymore by persistent rumors that she is already getting married.

Iza Calzado opens up about marriage

Iza Calzado says she isn't surprised anymore by persistent rumors that she is already getting married.

BY
Krissa Donida

FRESH SCOOPS

01/10/2014 11:58 PM
Iza Calzado opens up about marriage
011114-iza_main.jpgKabilang si Iza Calzado sa pinakabagong teleserye ng ABS-CBN na Sana Bukas Na Lang Ang Kahapon kung saan makakasama niya si Bea Alonzo, Paulo Avelino at ilan sa mga beteranong artista sa showbiz tulad nina Susan Roces, Anita Linda, Tonton Gutierrez, Dina Bonnevie at Albert Martinez. Taos-puso ang pasasalamat ng aktres sa oportunidad na naibigay sa kanya upang magbalik sa Primetime Bida matapos ang kanyang seryeng Kahit Puso’y Masugatan.

“Thank you. I am so happy and I am really grateful that Dreamscape gave me a soap this year despite the other soap not pushing through, pinalitan agad nila.” Ang seryeng You’re My Home kung saan makakasama niya dapat sina Richard Gomez, Dawn Zulueta, Shaina Magdayao, at Enchong Dee ang tinutukoy niyang hindi muna matutuloy. “Although nagkaroon na kami ng press launch, right now it’s just on hold. But hopefully we get to do the story again at some point.”

Sa ngayon para kay Iza ang importante ay ang launching ng nasabing soap at ng The Biggest Loser. Aniya, “Right now what’s important is we are launching The Biggest Loser at the end of the month and I am part of the Toni (Gonzaga)-Piolo (Pascual) movie for February and ganito kalaki ang blessing and I am really grateful that I will be working with the entire cast.”

Sinagot na rin ni Iza ang isyu na ikakasal na siya ngayong taon sa kanyang boyfriend na si Ben Wintle, na agad din naman niyang binalik ang tanong sa press. Aniya, “Sino magbabayad? Naka-set na ba yan? Nasaan ang singsing? Wala pa, hindi pa.” At para sa kanya ay hindi na bago ang isyu ng pagpapakasal. “25 years old pa lang ako sinasabi na nilang magpapaksal ako. Naku, hindi, hindi muna.”

Naniniwala si Iza na darating din ang tamang panahon na siya ay lalagay sa tahimik ngunit hindi pa sa taong ito. “The time will come, its just not now and definitely not this year because I am not yet engaged and I wouldn’t want to get married in less than a year. I don’t want to rush anything.”