Mutya Datul bags Miss Supranational 2013 title in Belarus

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

9/10/2013 6:47 AM
Mutya Datul bags Miss Supranational 2013 title in Belarus


091013-mutya_main.jpg

Sa ulat ni Dyan Castillejo para sa Star Patrol, nasungkit ng Pilipinas nitong weekend ang titulong Miss Supranational 2013 sa katauhan ni Mutya Datul, isang bente-anyos na dilag na tubong Isabela.

Bago siya tumulak papuntang Belarus sa Europe, naikuwento pa ni Mutya ang simpleng buhay na meron siya sa Isabela. “Hindi po ako sanay sa maraming tao. Ngayon ko lang po na-experience this year makaharap ako ng maraming tao kaya medyo may kaba pa.

Ani pa ni Mutya, “[Noon]… kahit pambahay lang na damit okay lang lumabas. Ngayon kailangan nakaayos ang buhok, nakamake-up.”

Nadiskubre si Mutya sa isang pageant sa Isabela at noong una ay ayaw pa siyang payagan ng nanay niya na lumuwas ng Maynila para tuparin ang kanyang pangarap. Ngunit sumakay pa rin siya ng bus kasama ang kanyang kapatid na walang dala kundi pamasahe. “Alam mo ‘yung binebenta, ‘yung umaakyat sila sa bus, yung mga pastilyas, pampa-lipas gutom…” aniya dahil wala silang perang pambili.

Kaya naman puspusan ang training ni Mutya simula noong Abril nang tanghalin siya sa Bb. Pilipinas bilang Miss Supranational. Para sa kanya kailangan, “magtrabaho nang magtrabaho, magtiyaga..” Bukod sa pagsisikap, nagpapasalamat din si Mutya sa Diyos dahil natupad ang kanyang pangarap.