• Home
  • Fresh Scoops
  • Maja Salvador on Gerald Anderson: 'Grabe kasi siya magparamdam din kung gaano ka ka-special'

Maja Salvador on Gerald Anderson: 'Grabe kasi siya magparamdam din kung gaano ka ka-special'

Maja Salvador is happy where she is now and says chooses to be positive in life and love.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

9/10/2013 7:40 AM
Maja Salvador on Gerald Anderson: 'Grabe kasi siya magparamdam din kung gaano ka ka-special'


091013-maja_main.jpgPagdating sa usaping pag-ibig, laging mailap sumagot si Maja Salvador patungkol sa kanyang karelasyong si Gerald Anderson. Ngunit sa isang product event na ini-endorso ng aktres, nagsalita ito tungkol sa pagiging espesyal ni Gerald sa kanya. “Kulang ang words kasi… grabe kasi siya magparamdam din kung gaano ako ka-special.”

Inilarawan din ni Maja ang ilang mga naging pagbabago sa kanya sa pakikipagrelasyon lalo pa ngayon at bukas silang dalawa ni Gerald sa magandang namamagitan sa kanilang dalawa. “Selosa ako eh pero ngayon nako-control ko e…. Oo kung yung dati mapag-check ako ng phone. ngayon yung wala. Parang feeling ko kasi may mga bagay na parang meron kayong shinashare sa isa’t isa, meron din naman yung sa sarili mo lang.

Ibinahagi din ni Maja kung paano siya magmahal, hindi lang sa pamilya at mga kaibigan maging sa napaka-importanteng lalaki sa buhay niya ngayon. “In general ha? Ano, buhos eh. Pero alam ko pa naman magtira sa sarili ko. Pero gusto ko yung mga mahal ko sa buhay, kung kaya kong gawing happy sila o mapasaya sila kahit sa mga maliliit na bagay, gagawin ko kasi sobrang mahalaga sa akin kapag nakikita ko na napapangiti sila.”

Ngunit hindi maikakailang dumaan sa ilang mga pagsubok si Maja sa kanyang personal na buhay, tulad na lang ng kinahantungan ng pagkakaibigan nila ni Kim Chiu. Ngunit sa kabila nito, pinili niyang mas pagtuunan ng pansin ang trabaho at mas maging positibo sa buhay. “Sobrang okay, masaya. Puro work, work, work kasi e, so hindi mo mararamdaman ang problema, ang stress sa buhay. Parang siyempre di ba… it’s your choice kung paano mo iha-handle yung mga problems or yung mga darating, yung mga mangyayari sa buhay mo, and it’s your choice kung didibdibin mo at lagi mong iintindihin yun or yung positive ka lang at work lang ng work.”

At ngayong ipinagdiriwang din ni Maja ang kanyang ika-sampung taon sa show business, ibinahagi din niya ang gusto niyang mangyari sa mga susunod na taon pa sa kanyang karera “Sana maka-achieve pa ako ng another 10 years tapos Sana marami pa akong awards. Sana makaggawa din ako ng pelikula na marecognize din international[ly], tapos makatrabaho ko pa yung mga magagaling na artista, nga beterano na artista… Mas gusto ko pang tumagal sa show business, parang gusto ko pang gumawa ng mga magagandang teleserye, magagandang movie.”

Sa susunod na buwan ay kaarawan na rin ni Maja, at kanyang ibinahagi ang gusto niyang mangyari sa kanyang sarili sa mga susunod pa na taon. “Yung totoo yung isang dream ko sa buhay ay yung mag-travel around the world, na hindi trabaho kasi parang yung minsan may kasama, minsan yung ikaw lang kasi para sa akin minsan maganda din na pupunta ka na out of the country na ikaw lang mag-isa tapos iexplore mo yung place tapos ikaw din mismo for sure may malalaman sa sarili mo na kung meron kang madidiscover sa sarili mo na ganito pala kapag nandito sa bansang ito, parang ganun. Minsan kailangan ng ganun para mas makilala yung sarili mo hindi yung ibang tao ang nagsasabi sa iyo.”