Eugene Domingo defends Maricel Soriano on issues

BY RHEA MANILA SANTOS

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

9/10/2013 7:30 AM
Eugene Domingo defends Maricel Soriano on issues


091013-eugene_main.jpgAs the newly dubbed “Rough Diamond Star” for the movie Momzillas, Eugene Domingo said it was a pleasure to be working on the comeback movie of Diamond Star Maricel Soriano. “I think perfect timing ang pagkakalabas ng Momzillas. After a long while, the original comedy queen Maricel Soriano is back and the blockbuster director (Wenn Deramas). Gustong gusto ko nga yung rough diamond star kasi kumbaga eh pipinuhin mo pa. Ay talaga namang pipinuhin pa ako. Dahil kumpara naman sa karanasan ni Diamond Star na 184 years na sa business (laughs), eh walang wala naman ako dun. Susmaryosep, sa personal man o sa career, grabe na ang pinagdaanan ng isang Maricel Soriano. Kaya sa bawa't araw, actually bawat pagkakataon na kami'y mag-uusap, nakatulala lang ako sa kanya. Iniisip ko napakatibay ng babaeng ito. Ang tibay, ang tapang at napaka-class. Ang sabi ko nga sa kanya, with all the intrigues or whatever people say about you, you continue to keep your silence and that's what really makes her a Diamond Star,” she explained.

Eugene took it upon herself to vouch for her co-star knowing the many intrigues hurled at Maricel this year. “Sa totoo lang, mas hinangaan ko siya ngayon kasi we cannot deny the fact that she went through ups and downs and nangyayari yan sa lahat ng artista. But now I admire her more than ever because I am a fan since the day I watched her perform on TV and in the movies. Mas lalo akong naging tagahanga ngayon kasi ngayon mas nakita ko ang tibay ng isang totoong artista na katulad ni Maricel Soriano. Kumbaga ang paghanga ko sa kanya ay hindi natapos kasi alam na natin na magaling siya sa drama, magaling siya sa comedy at lahat lahat na. Pero as a person, if you really get to know her, isa lang ang gusto niyang gawin sa buhay niya, ang mapaligaya ang lahat ng manunuod,” she said.

The talented actress said she has gotten to know Maricel more and shared a different side to the veteran actress. “Ang daldal daldal! Minsan parang tama na tayo, keep quiet na tayo pero ay hindi dadaldal pa rin siya (laughs). At saka minsan, kahit hindi mo siya nakikita, kahit nasa loob siya ng toilet, gusto niya magdadaldalan kayo. Hindi ba minsan inaantok ka na rin, ayaw niya, gusto pa rin niya talk show. Wala sigurong kausap ito sa bahay (laughs). Mamaya maya nalaman ko wala nga, si Bella lang, yung shih-tzu niya (laughs). Yun lang ang kausap. Pero hindi ko babaguhin yun konting pahinga lang. Pause lang, ganun. Pero huwag kang magbabago kasi nakakaaliw eh, kaya minsan ang tawag ko sa kanya lola eh, parang lola. Yung dire-diretso lang parang radyo. And sa pagiging artista naman gustong gusto ko yung malasakit at saka yung kanyang pagiging sensitive sa co-actor, yung respeto hindi nawawala sa kanya yung respeto kahit saan pa siya makarating, yung kanyang estado na siya na nga yung diamond star, yung respeto niya sa co-actor niya, kesihodang bit player o main cast, may respeto pati dun sa mga bata, ganyan. She keeps quiet if you need to concentrate, ganun,” she said.

From starting out as a supporting actress to becoming a lead star, Eugene said she never ambitioned to reach the status of a diamond star. “Wala po akong titulo na gusto. Cash na lang di ba (laughs). Sa panahon ngayon yung mga titulo nayayanig. Ang gusto ko lang sana ay patuloy lang ako magkaroon ng pagkakataon na makasama sa pelikula yung mga katulad ni Maricel Soriano kasi maraming marami akong matututunan sa kanya,” she admitted.

The Momzillas star said she is proud of their movie, where they play the mothers of Andi Eigennman and Billy Crawford who have been mortal enemies for a long time. “Unang una sa lahat yung storya ay maayos na maayos na nailatag. Pangalawa meron talaga siyang kuwento, may sinusundan talagang mga characters at sitwasyon, pangatlo, kabisado ko ang kanyang rhythm, kabisado niya ang rhythm ko. Kapag nagsabay kami napakaganda ng blending. Tinginan pa lang, galaw ng katawan, because Maricel Soriano uses her body very well as a comedian. She has her unique way of delivering her lines kaya favorite natin ang kanyang flavor. Yung kanyang tono, yung boses niya kung paano siya magbigay ng linya eh kabisadong kabisado natin at gustong gusto natin. So direk Wenn gave us the freedom to be spontaneous and every now and then Maricel and I, we surprise each other. Kasi araw araw kami nag-shooting at sa araw araw na yun, ang bungad niya lagi sa akin, 'Hindi mo ba ako na-miss? Na-miss kasi kita eh!' Sabi ko, 'Kahapon lang tayo magkasama, miss kagad?' (laughs) Ganun siya. Para kaming magkaklase sa eskuwelahan,” she said.

Catch Eugene Domingo and Maricel Soriano in the Star Cinema offering Momzillas which starts showing in theatres nationwide on September 18, Wednesday. For more Kapamilya updates, log on daily to Push.abs-cbn.com and follow Push_Mina on Twitter.