Coco Martin recognized as influential celebrity endorser

Coco is now an established celebrity endorser like Kris Aquino, Boy Abunda, Vic Sotto and Carmina Villaroel.

BY PATTY RAMIREZ

FRESH SCOOPS

9/10/2013 7:32 AM
Coco Martin recognized as influential celebrity endorser


091013-coco_main.jpgIbang level na talaga si Coco Martin! Hindi lang sa pagiging aktor humahakot ng award ang tinaguriang Drama King, pati sa pagiging endorser ay kinilala na din siya.

Noong Sabado, September 7, binigyang parangal si Coco bilang isa sa Most Influential Celebrity Endorser of the year ng 3rd EdukCircle Awards.

Personal na um-attend si Coco para tanggapin ang recognition sa awarding ceremonies na ginanap sa UP Film Institute. Ito ay bago siya um-attend ng 7th Star Magic Ball sa Fairmont Hotel sa Makati.

Kasama ni Coco sa nasabing award sina Kris Aquino, Boy Abunda, Vic Sotto at Carmina Villarroel and family.

HIndi na talaga maawat ang tagumpay ng bida ng “Juan Dela Cruz.” Di na mabilang ang kanyang acting awards, ngayon naman ay bilang celebrity endorser. Patunay ito na isa na talagang "premium brand" si Coco Martin.

Di na din mabilang ang mga produktong iniendorso ni Coco,  nariyan ang Max's, Republika TM, Nescafe 3-In-1, Bench, Neozep, Belo, Cebuana Lhuillier Pera Padala, Boardwalk at iba pa.