Stars get ready for the annual Star Magic Ball

The much-awaited event of the year is set to happen on September 7.

BY PATTY RAMIREZ

FRESH SCOOPS

9/7/2013 11:00 AM
Stars get ready for the annual Star Magic Ball


090213-ball_main.jpgIt’s the time of the year again para sa pinakamalaki at pinakagrandyosong event sa showbiz, ang Star Magic Ball. Now on its 7th year, sa darating na September 7 sa Fairmont Hotel in Makati dadagsa ang mga maningning na artista at ngayon pa lang ay ready na ang ilan sa kanilang fabulous outfits in shades of black, white and champagne. 

Tulad na lang ng singer na si Angeline Quinto na pangatlong taon nang dadalo sa ball. Gusto niya maimpress ang lahat sa kanyang serpentine gown by Pepsi Herrera. Si Erik Santos daw ang kanyang magiging escort sa ball, na siyang kasama niya rin last year. Nang tanungin kung bakit hindi ang kanyang crush na si Coco Martin ang kanyang date, sinabi ni Angeline na, “Baka marami akong makaaway na babae!”

Finit na din ni Melissa Ricks ang kanyang sexy black gown made by Nat Manilag. Handa nang magcelebrate si Melissa at ineenjoy ang kanyang pagiging single. Wala siyang escort sa ball at hindi man siya handa na umibig muli, alam daw ng aktres dadating din ang tamang pag-ibig sa tamang oras. Nang matanong naman tungkol daw sa pagusyo daw sa kanya muli ng dating boyfriend na si Jake Cuenca, ito lang ang nasabi ni Melissa, “If you are going to say something, say it truthfully, hindi yung magsasabi ka lang para maganda ka, so you seem like a better person. You need to tell other people, tell the whole world before you do it.”

Ang “Annaliza” star naman na si Kaye Abad ay darating sa ball kasama muli ang kanyang kasintahan na si Guji Lorenzana. Isusuot ni Kaye ang isang white strapless gown with lace detail na gawa ni Francis Libiran. “Every year naman excited kami kasi we get to dress up and talagang glamor night para sa amin. And you get to see yung mga friends namin na bihira namin makita, kumbaga nagiging reunion na din siya para sa amin.” 

Gawa rin ni Francis Libiran ang isusuot ng “Maria Mercedes” star na si Jessy Mendiola. Ang suot ni Jessy na black gown ay mag-sho-show off ng kanyang 23-inch waistline. “Sabi ko I want something simple and sexy. Yet very classy and elegant,” paglalarawan ni Jessy.  Ang napapabalita na nga ba na manliligaw niya sa si Sam Milby ang kanyang date sa ball? “Hindi siya directly ‘Would you like to come with me to the ball,’ it’s like nagtatanong siya kung sino yung kasama ko sa ball. So siyempre I don’t want to assume things.” At this point daw sa kanyang buhay, gusto daw muna umabot ng isang taon ang kanyang pagiging single bago siya sumabak ulit sa pakikipagrelasyon.  Dinedescribe ni Jessy na isang nice guy si Sam at malinaw ang intensyon nito sa kanya. 

Francis Libiran creation din ang isusuot ng “Got To Believe” star na si Kathryn Bernardo. 

Abangan next week ang mga kaganapan sa Star Magic Ball next week sa “The Buzz” at dito sa PUSH.com.ph.