• Home
  • Fresh Scoops
  • Melissa Ricks speaks up about the reason why she and Paul Jake Castillo broke up

Melissa Ricks speaks up about the reason why she and Paul Jake Castillo broke up

Melissa Ricks denies there was a third party involved in her breakup with Paul Jake Castillo.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

9/6/2013 8:01 AM
Melissa Ricks speaks up about the reason why she and Paul Jake Castillo broke up


090613-Melissa_Main.jpgSa fitting ng gown ni Melissa Ricks na dinesenyo ni Nat Manilag para sa Star Magic Ball, excited ang dalaga hindi lang sa kanyang susuotin maging sa kung ano ang mangyayari sa Ball. Aniya, “This year, every year I am excited for the Star Magic Ball, siyempre everybody sa Star Magic is excited kasi every year iba ang gown, every year iba ang partner, iba ang experience, iba yung theme. This year I went with Nat Manilag and I did this very elegant black dress na plunging neckline naman ako this time, almost hanggang puson. I went with the gown and I am excited to see the final product and on the red carpet on how the pictures would turn out.” 

Napag-uusapan na rin ang mga dates para sa Star Magic Ball, natanong si Mel kung may date ba siya sa nasabing okasyon. Aniya, “I think this year I will be going solo, for a change lang naman at wala pa naman naga-ask so malay mo mag-change in the couple of days so hindi ko naman alam.

Sa kauna-unagang pagkakataon, nagsalita rin si Melissa tungkol sa naging rason ng paghihiwalay nila ng ex-Pinoy Big Brother housemate na si Paul Jake Castillo. “There is no solid reason kung bakit. Siguro we just cherish the friendship more than anything else kasi nung end part na ng relationship lagi na kaming nag-aaway, lagi nang nagkakainitan ng ulo. Minsan hindi kami nag-uusap kahit na magkasama kami and we don’t know why.”

Itinanggi ni Melissa na may third party involved na dahilan ng kanilang hiwalayan. “No, walang third party. Siguro it is the right love at the wrong time, maybe we were just meant to be friends or I don’t know maybe. Before akala ko wala na akong makikitang iba and then Paul Jake came unexpectedly so now maybe in the future there is someone out there better for us.”

Ngunit ibinahagi naman ni Melissa na maayos ang paghihiwalay nila ng dating karelasyon. “Yung care nandun pa rin, yung love nandun pa rin so maybe tapusin na habang hindi pa magulo and you can never say naman in the future. Hindi naman ako aasa o hindi naman na siya aasa na maayos. It really depends so I just enjoy right now at wala naman akong masamang masasbi sa kanya.”