• Home
  • Fresh Scoops
  • Jessy Mendiola speaks up about Sam Milby's admission that he is courting her

Jessy Mendiola speaks up about Sam Milby's admission that he is courting her

Jessy Mendiola says it's too early to say if there is a possibility for her and Sam Milby to become a couple.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

9/5/2013 7:56 AM
Jessy Mendiola speaks up about Sam Milby's admission that he is courting her


090513-Jessy_Main.jpgSa gown fitting ni Jessy Mendiola para sa nalalapit na Star Magic Ball, nagsalita ang dalaga sa naging pag-amin ni Sam Milby kamakailan tungkol sa panliligaw nito sa kanya. Ayon sa kanya, wala siyang kaalam-alam na magsasalita si Sam sa tungkol ditto. “Hindi ko alam na… Actually hindi ko alam na magsasalita siya, so yeah, kasi nagulat lang talaga ako.”

Flattered naman ang dalaga sa paghanga ni Sam sa kanya at sa pag-amin nito sa telebisyon tungkol sa nararamdaman niya. Ayon kay Jessy, “I think any girl would be flattered and it’s a nice thing to do na he said it on TV and I don’t know he announced it yun.”

Matatandaang dati ay nangyari na rin kay Jessy ang similar na scenariong ito nang magtapat ang dating kasintahang si JM de Guzman sa nararamdaman niya sa telebisyon na wala ding kamalay-malay ang dalaga. Ngunit ang pinagkaiba ay wala na sila ni JM nang mga panahong iyon. Kaya naman nang matanong namin ang dalaga kung ano ang tingin niya sa pangyayaring ito, “Well, if I had it in my way sana hindi natin pinag-uusapan ngayon but wala, it’s really out of my hands, it’s out of my control.”

Ibinahagi din ni Jessy ang kanyang nararamdaman sa naging pagtatapat ni Sam ng kanyang damdamin para sa kanya. “If he wants to say it on TV or to people I guess it’s his choice, I really did not know that he’d do that so wala din namang masama so yun I am in between lang. 50/50 lang na sinabi niya dahil there are pros and cons… I mean yung advantages. It’s nice na sinabi niya [up]front, sa TV and [to] to a lot of people, and disadvantage naman na alam mo in our industry kapag sinabing nanliligaw ang alam nila kayo na but really, no. I don’t know really so hindi ko alam ang reaksiyon ko, naloka din ako.

“He is very consistent and he is very attentive. He is observant kumbaga if you need something or anything he knows”, ang paglalarawan ni Jessy sa panliligaw sa kanya ni Sam. Ngunit inamin ni Jessy na hindi sila malapit sa isa’t isa ng actor. “Hindi kasi talaga kami close ever since, but he has been around in the industry and we all know that. Ano ba ang sasabihin ko, wala. it just happened all of a sudden, he is really nice. Kumbaga nagkikita lang kami usually sa Star Magic office, or sa ASAP.”

Dalawang linggo pa lang nanliligaw ang aktor kay Jessy kaya naman napakaaga pa para sa aktres magsalita kung may pag-asa na ba si Sam sa kanya. “It’s too early to tell.” At ang kanyang totoong saloobin tungkol sa pakikipagrelasyon sa ngayon, “Alam naman ng lahat ng tao ngayon na I am not ready for a relationship. So much is happening to me right now. I really want to focus first on my work and siyempre magpapabahay ako. Gusto ko lang mag-work muna e. Ako naman ayaw ko naman na porket magwowork ako, iisnab na ako sa lahat ng nakikipagkaibigan. Kasi usually kapag sinabi nila na naglilgawan, malandi or like, ako lang ayaw ko lang na mag-close ng doors at ayaw ko lang maglagay ng limitations pagdating sa mga gustong makipagkaibigan. Kumbaga I am open but they all know that I am not ready yet. Kumbaga risk na lang nila yun kung willing ba sila mag-wait.”