• Home
  • Fresh Scoops
  • Enchong Dee and Enrique Gil open up about their respective love lives

Enchong Dee and Enrique Gil open up about their respective love lives

Enchong Dee and Enrique Gil say that both are cool with each other and if ever Enrique decides to court Julia Montes, Enchong has no problem with it.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

10/1/2013 7:40 AM
Enchong Dee and Enrique Gil open up about their respective love lives


100113-Enrique-Enchong_Main.jpgSa isang panayam kina Enchong Dee at Enrique Gil, sumagot ang dalawa ng tungkol sa kanilang pagkakaibigan at tungkol sa babaeng hindi natitigil sa maugnay sa kanilang dalawa na si Julia Montes.

Aminado si Enchong na hindi sila kaagad naging magkaibigan ni Enrique. Aniya, “Ako kasi ever since noong bata ako, aloof ako sa mga taong mukhang foreigner kasi sa competition. Kapag mukhang foreigner ‘yung kalaban, feeling ko talo na ako, may inferiority complex ako dahil sa swimming. Feeling ko magaling sila automatic sa akin, ngayon hindi na. Noong una sabi ko, ‘Englisero, hindi ko ito makaka-jive’ kasi Western ‘yung humor niya.

Maging si Enrique ay sinabing noong una ay hindi sila nagkakahalubilo na Enchong. “Tahimik lang kasi si Enchong noon, mas jive kami ni AJ (Perez), heto nanunuod lang.” 

Nagsimulang mabuo ang kanilang pagkakaibigan nang gawin nila ang pelikulang The Reunion. Nabigyan sila ng pagkakataong magkakwentuhan at kilalanin ang isa’t isa at sa mga kwentuhang ito lumabas na magkaiba sila ng estilo sa panunuyo at panliligaw pagdating sa babae. Ang estilo ni Enchong, “Old soul kasi ako eh, medyo effort sa akin na magpunta ng club, effort sa akin to stay up late. Gusto ko ‘yung ganito conversation, kape.” Para naman kay Enrique, “Mas outgoing ako, mas fun. Kung saan ko feel, kung saan niya feel, ‘yung hindi typical, ‘yung something different naman,” 

Aminado sina Enchong at Julia na kahit walang kumpirmasyon sa naging totoong estado ng kanilang relasyon, may pinagdaanang hindi maganda ang kanila pagsasama kaya naman nang dumating ang teleseryeng Muling Buksan Ang Puso. Masaya si Enchong na nanumbalik ang pagsasama nila ni Julia. “Yung closeness, kasi umabot na ako sa point na puwede ko na siyang biruin, kasi alam ko okay na ako, okay na kami. Isa ‘yun sa pinakamagandang bagay na ginawa ng show na ito sa amin, especially sa aming dalawa ni Julia, nawala na lahat, kinalimutan na namin ‘yung bad times. I know kapag tumanda kami, we’ll be there for each other.”

Marami na rin mga balitang lumalabas sa likod ng bagong tamabalan ni Enrique at Julia, at mas umingay pa ito ng magka-date sa nakaraang Star Magic Ball ang dalawa. Kung may planong ligawan ni Enrique si Julia, aniya, “Okay naman daw kay Enchong.” At ang sagot ni Enchong dito, “By that time, I will be just a friend, so wala naman akong ano…” At ayon kay Enchong hindi naman isyu kung sakaling magtuloy ang magandang pagtitinginan ng dalawa. Kwento pa ni Enrique na sinabi diumano ni Enchong sa kanya, “’Basta boto ako sa iyo,gumaganun sa akin, ‘Uy, salamat’, pero yung plans wala pa.

Naging malakas ang bali-balitang nililigawan ni Enchong ang anak ni Gretchen Barretto na si Dominique Cojuangco lalo pa ang dalaga ang ka-date niya sa Star Magic Ball. “Dominique and I always get to go out, pero pinapakilala lang… We never really had a chance na makapag-usap. Sabi ko, ‘Sayang naman kung hindi ko siya magiging kaibigan,’ kasi we usually see each other sa mga functions, so grab the opportunity na nandito siya sa Pilipinas, and be friends.” At hanggang ngayon ay may komunikasyon pa rin ang dalawa kahit na nasa ibang bansa na ang dalaga. “Twitter, Instagram, number niya sabi ko, ‘Paglapag ko sa London, I’ll make sure to visit her.” At muling itinanggi ni Enchong na may plano siyang ligawan si Dominique, “Wala, gusto ko lang maging kaibigan.

Ngunit ang naging matinding pag-amin ni Enchong, sa kabila ng mga pinagdaanan nila ni Julia, siya pa rin ang laman ng puso nito. “To be honest and to be frank, ako, si Julia talaga.” Kay Enrique naman, aminado itong hindi pa nito nais at handa mapasok sa isang seryosong relasyon. “Nasa state kasi ako, wala pa, parang hindi ako masyadong open ngayon.