The cast of 'Momzillas' are all-praises for each other

Eugene Domingo, Maricel Soriano, Billy Crawford, and Andi Eigenmann say they've developed a genuine friendship even behind the camera.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

9/28/2013 12:00 AM
The cast of 'Momzillas' are all-praises for each other


092813-momzillas_main.jpgPatuloy ang pagtangkilik ng manonood sa pangalawang linggo ng Momzillas. Ang cast members na sina Andi Eigenmann at Billy Crawford ay bilib na bilib sa performance ng kanilang mga co-stars sa pelikula. Sa panayam kay Billy, “Napakasaya, sobrang talagang tagahanga ako ni Ms. Eugene Domingo at Maricel Soriano. To see both of them talaga is ibang klase.”

Malaki din ang pagpapasalamat ni Andi dahil sa suportang kanilang natatanggap sa pelikula. “Maraming maraming salamat po. Dahil po yan kay Direk Wenn (Deramas), Tita Uge (Eugene Domingo), Inay (Maricel Soriano) and kay Billy (Crawford), sa lahat ng taong bumuo ng Momzillas. Sana po it will do well kasi po alam ko naman na nakakaksigurado talaga na puro katatawanan. Sobrang enjoy talaga tong pelikulang ito at isa pa pwede buong pamilya dito.

Maging si Eugene Domingo ay tuwang-tuwa sa kinalabasan ng pelikula at sa suportang natatanggap nito. “Enjoy na enjoy kami. It was like an adventure and also ang sarap kasi kasama sa eksena si Maricel Soriano. Ang dali dali ang galing galing so automatic lahat yung mga reactions namin laging from the heart at yung aming mga dynamics as co-actors natural lang.

Maging sa kanilang mga panayam ay bukas silang lahat na nakabuo sila ng magandang pagkakaibigan dahil sa paggawa ng pelikula. “Totoo hindi lang kami ni Maricel kundi buong cast. Tuloy tuloy yan. Ganun naman ako makipag-trabaho hindi ko pinuputol ang relasyon so let’s just hope na magkaroon ng part two ang Momzillas