Sarah Geronimo keeps mum about Matteo Guidicelli

Sarah Geronimo says that she and Matteo Guidicelli are just friends.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

9/21/2013 8:00 PM
Sarah Geronimo keeps mum about Matteo Guidicelli


092113-Sarah_Main.jpgNatanong si Popstar Princess Sarah Geronimo tungkol sa panganay nitong kapatid na nag-aaral ngayon sa Paris. Aniya, malapit nang magtapos ang kaniyang kapatid at sa ngayon ay nasa on the job training na niya ito at excited silang lahat na magpapamilya. Dagdag pa ni Sarah, “Magbubunga na lahat ng paghihirap niya, ‘di ba? Siyempre yun naman ang pangarap ng bawat pamilya na kapag umangat ang isa, magiging proud ang lahat, magiging masaya ang lahat kasi kung ano yung success ng isa, success ng buong pamilya.”

Aminado si Sarah na kung may pagkakataon ay nais din niyang makapag-aral sa ibang bansa tulad ng kanyang ate. “Gusto ko, gustong, gustong, gusto ko sana kung pahihintulutan ako ng schedule ko na you know to take a break. Hindi ko alam. Kung hindi ko alam kung months ba yan or taon, hindi ko alam kung taon man kung may babalikan pa ako so wineweigh pa ng mabuti. Pinag-iisipan pa kung ano yung magiging desisyon po pero talagang pangarap kong mag-aral abroad.”

Kung sakali ay may plano na ring kurso si Sarah na kunin. “Alam niyo, siyempre iniisip ko dahil ito na talaga yung profession ko di ba. Singer na ako, gusto ko rin maimprove yung craft ko sa pagkanta ko, sa pagiging artist ko, sa music. Pangarap ko rin na makatugtug ng instrumento or music production ganyan. At the same time gusto ko din mag-aral ng hindi in line sa music tulad yung may fallback ako kumbaga. Siyempre hindi naman po forever itong career natin sa show business so yun.”

Napag-usapan din ang kanyang programang The Voice of the Philippines at aminado siyang hindi lang sa mga contestant may kumpetisyon, maging sa kanilang mga coaches ay may tensyon. “Oo, yun e, part naman yun ng competition di ba? E kasi ang pinaglalabanan nga namin dito kung kaninong team manggagaling yung winner ng The Voice of the Philippines so hindi mo maiiwasan na may competition din.”

Dagdag pa ni Sarah, “Part yun kasi banter kasi e. Yun naman ang hinahanap ng tao di ba, at saka talagang dun sa The Voice of the Philippines na-obliga ako magsalita or maging opinionated. Magandang learning experience yun sa akin.”

Nabanggit din ang napapansing pagtatapat nila ng kapwa niya coach sa programa na si Lea Salonga, at tanggap naman ng Popstar Princess na nagsasalubong ang kanilang mga opinion. “Naku hindi, gustong-gusto ko yun kapag binabara niya ako. Si Coach Bamboo medyo nakakahurt di ba pero masarap din pala na binabara ka ng mga artist na ganun di ba? Artists that I look up to, at saka artists na from them I learn things kaya ang sarap talaga.”

Hindi pa rin namamatay ang balitang may namamagitan sa kanila ng aktor na si Matteo Guidicelli pero iginit ng dalaga na magkaibigan lang sila. At nang kamustahin silang dalawa, “Okay naman, okay naman.” Ngunit nang magtanong pa ang ilan sa mga press tungkol sa kanilang dalawa, nais na daw ng dalaga na huwag nang pag-usapan pa. “Ayaw ko na pong.. kumbaga okay lang na hanggang dun na lang muna. Kung anuman po yung sasabihin ko ayaw ko naman po na magsalita nang… basta gusto ko maging truthful sa inyo the best way that I can kaya gusto kong manahimik na lang muna.”

Nagsalita din si Sarah sa mga online bashers at ilang mga negatibong kumentong nasusulat sa kanya sa internet. “Kasi yan yung pagka-naghahandle ka ng Twitter account mo at kapag active ka, siyempre binabasa mo lahat ng mentions mo, makikita mo mga bashers mo. Kasi naexperience ko na yan eh, hindi mo talaga maiiwasan minsan na sumagot to defend yourself, to defend kung sinuman yung na-agrabyado pero ako naman lumalabas na tumatagos na lang pero siyempre masakit pa rin. Na-immune na rin ako kaya minsan hindi na rin ako active kasi natatakot ako.”