• Home
  • Fresh Scoops
  • Jake Cuenca on Jessy Mendiola's suitor Sam Milby: 'Wala namang dapat problema kasi hindi naman sila'

Jake Cuenca on Jessy Mendiola's suitor Sam Milby: 'Wala namang dapat problema kasi hindi naman sila'

Jake Cuenca is determined and willing to wait for Jessy Mendiola even if Sam Milby is very open about his feelings for the Maria Mercedes star.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

9/20/2013 8:46 AM
Jake Cuenca on Jessy Mendiola's suitor Sam Milby: 'Wala namang dapat problema kasi hindi naman sila'


092013-jake_main.jpgSa bloggers presscon ng Maria Mercedes, nagkaroon ng kantiyawan ng binuko ni Jessy Mendiola na nagpapadala si Jake Cuenca ng paella sa kanya. Nang makausap ng Push.com.ph si Jake tungkol dito, aniya, “Siyempre specialty ng pamilya ko gumawa ng paella kaya pinadalhan ko si Jessy siyempre. Tinanong ko naman kung mahilig siyang kumain ng paella at yun. I told my dad If I could make one for her so yun.” At kahit siya pa daw mismo ang magluto para kay Jessy gagawin niya. “Kung bigyan niya lng ako ng pagkakataon, gagawin ko talaga.”

Aminado si Jake sa kanyang paghanga sa dalaga, ngunit sa pagkumpirma kung talaga bang nanliligaw ito sa kanyang leading lady, ay ayaw niyang ibalita. Aniya, “Hindi ako ganun manligaw, sorry. As much as I want to announce it, as much as I want to let everyone to know I think it is very early on. Sa akin naman anything that I have to say to Jessy I’ll say it to her in person. I think it’s more sincere that way, ganun naman ako manligaw. Never naman ako nag-announce na manligaw. Magugulat na lang yung tao na girlfriend ko na. So di ba, that’s always been the case naman in the past. And again like what Jessy said she wants to be single for a year and I’m willing to wait for the right moment and the right time for that.”

Sa ngayon ay nakukumpara si Jake sa pagiging bukas sa panliligaw ni Sam Milby kay Jessy. Kaya naman nagsalita si Jake sa pagpilit ng iba at paglabas ng balita na pagsabungin silang dalawa. “Magkakaiba naman kasi kami, and hindi naman pare-pareho manligaw ang lalaki. I am just not the type to say it and broadcast it to the whole world. If I want to broadcast something like that to Jessy, I’ll tell that to Jessy in person or I’ll say that over the phone and text. Ako kahit artista ako at nasa mata tayo ng publiko, I still believe in being traditional, in being old school and it is easier that way and I think mas nagiging masaya ang isang relationship kapag sa inyong dalawa lang. Ganun talaga ako e, no offense to Sam its just how I am.” 

At sa sinasabing mainit nilang kumpetisyon para sa puso ni Jessy, ang mainit na naging pahayag ni Jake,“ Well, alam mo naman ang sinasabi nila diba? Somethings are worth fighting for and Jessy is one of them.” 

Aminado din si Jake na hindi naging masyadong maganda ang pinagdaanan niya sa kanyang buhay pag-ibig nitong mga nakaraang buwan kaya naman nang matanong ng Push kung sa tingin niya ba ngayon ay handa siyang pumasok sa isang committed relationship kung sakali, “Well, you know sa akin honestly it hasn’t been the easiest months for me. Coming out of my relationship hindi naman madali yung experience na ito sa akin. Pero I am working on it one day at a time. Inaayos ko ang sarili ko at hindi mahirap mag-move on kung kasama mo naman si Jessy na halos araw-araw sa set.”