'Ser Chief' goes solo

Richard Yap releases his first solo album under Star Records.

BY PATTY RAMIREZ

FRESH SCOOPS

9/19/2013 7:01 AM
'Ser Chief' goes solo


091913-Richard_Main.jpgNaglevel-up na bilang singer ang 'Ser Chief ng Bayan' na si Richard Yap. Mula sa pagiging bahagi ng best-selling official album ng kanilang hit kilig-seryeng "Be Careful With My Heart," ngayon ay may solo debut album na si Richard sa ilalim ng produksyon ng Star Records. "Dream come true para sa akin itong launch ng solo album ko. Mula kasi pagkabata, hilig ko na talagang kumanta," kwento ni Richard. “At thankful ako sa aming teleserye dahil sa pamamagitan ng aming official soundtrack, na-discover ng tao na marunong din akong kumanta."

Ayon kay Richard, maihahalintulad niya ang kanyang unang album sa "Be Careful" dahil puno ito ng feel-good at easy listening tracks. "Pasok dito ang lahat ng genres. May pop, ballad at alternative. Hindi lamang sila para sa music fans na ka-age group ko kundi maging sa teens at in-betweens," ani Richard. "Nakapaka-espesyal sa akin nitong album kasi pinagpaguran namin ito para masigurong sulit ito para sa mga tao. Sana, tulad ko, ay magustuhan siya ng lahat ng aming supporters."

Para kay Richard, na lumaki sa musika ng Queen, Barry Manilow, Kenny Rogers, Hall and Oates, Phil Collins, at Mike Francis, wala siyang nararamdamang pressure sa posibilidad na makumpara siya sa iba pang mahuhusay na singers sa bansa. "Sa palagay ko hindi naman kailangang magkumpara dahil magkakaiba naman ang musical choices at target audiences ng singers," paliwanag niya.

Tampok sa solo debut album ni Richard ang revivals ng “Don't Know What To Do, Don't Know What To Say,” “Promise Ain’t Enough,” “Think I’m In Love Again,” “Can Find No Reason,” “You Take My Breath Away,” “Chasing Cars,” “High,” “Afterglow,” at ang Chinese version ng “Oh Babe.” Bahagi rin ng album ang bonus tracks na “Please Be Careful With My Heart” at “Salamat.”

Sa ilalim ng produksyon ng Star Records, ang first album ni Richard ay mabibili na sa record bars nationwide sa halagang P250 lamang. Maaari na ring ma-download sa Internet ang tracks ng album ni Ser Chief  Mag- log on lang sa iTunes, Amazon.com at MyMusicStore.com.ph.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang Facebook fanpage ng Star Records na www.facebook.com/starrecordsphil o i-follow ang @starrecordsph sa Twitter.