Charice sings with Alyssa during album launch

The singer says she wants to share her girlfriend's talent to the world.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

9/17/2013 2:15 PM
Charice sings with Alyssa during album launch


091713-charice_main.jpgSa ulat ni Marie Lozano sa “TV Patrol” Star Patrol, ginagaya na si Charice ng mga ka-lokalikes at tinitilian na rin ng mga female fans sa kamakailang launch ng kanyang latest album na pinamagatang “Chapter Ten,” na number two na sa digital download sa iTunes. 

Sa event din na ito sila kauna-unahang nag-duet onstage ng kanyang real life sweetheart na si Alyssa Quijano. Ayon sa report, simula pa lang raw ito ng pagawa ni Charice at Alyssa ng sweet music together. “(You) just watch her, I mean minsan feeling ko makakalimutan ko yung part ko e. Gusto ko i-share ang talent niya sa mga tao.” 

Bagama’t alam ni Charice na matindi ang pagtutol ng kanyang Mommy Raquel sa kanilang relationship, alam niya na sa tamang panahon ay magkaka-ayos din sila. “At some point kailangan ko na talaga gumawa ng move, basta mafe-feel ko yun, mafe-feel nila yun, yung as in talagang okay na yung lahat

Pinahayag din ni Charice ang kanyang napipintong pagbabalik sa Amerika at diumano, nakipagtagpo na rin siya sa kanyang mga kaibigan sa likod ng Oprah (show).. “I’m going back there on October to do more shows, I can say anything about you know…definitely I’m excited. ” 

Bago umalis magko-concert si Charice kasama si Aiza Seguerra sa Smart Araneta Coliseum sa September 28.