• Home
  • Fresh Scoops
  • Jessy Mendiola reacts to negative comments regarding her statement about her suitors

Jessy Mendiola reacts to negative comments regarding her statement about her suitors

Jessy Mendiola says that what she said was blown out of proportion.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

9/17/2013 7:15 AM
Jessy Mendiola reacts to negative comments regarding her statement about her suitors


091713-jessy_main.jpgSa panayam ng Push.com.ph sa bida ng nalalapit na primetime seryeng Maria Mercedes na si Jessy Mendiola, tila sunod-sunod ang mga magagandang nangyayari sa dalaga. Mula sa kanyang pinakabagong programa, dumarami na rin ang kanyang mga endorsements maging mga magazine covers. Ayon kay Jessy, hindi planado ang lahat ng mga nangyayaring ito. “I would like to conclude na lahat coincidence, na lahat hindi pinagplanuhan. I think sobrang blessing in disguise ito kasi alam niyo naman mga few months ago nakalugmok ako pero sobrang saya dahil bigla na lang siyang nag-unfold lahat, bigla na lang siya nagsabay-sabay ng lahat ng hindi ko ineexpect. Kumbaga it’s a blessing in disguise at hindi namin siya ano, hindi ko siya plinano and siguro si God ang nag-plan.”

Aminado si Jessy na kung nanatili siyang tulad noon na hindi masyadong bukas tungkol sa mga nangyayari sa kanyang buhay, hindi magiging kasing init ang magiging pagtanggap ng tao sa kanya. Kung matatandaan, sa pinakauna niyang presscon para sa Maria Mercedes, inilahad ni Jessy ang mga pribadong aspeto ng kanyang buhay tulad ng kanyang buhay pag-ibig at mga karanasan dito. Aniya, “Well there were negative comments, ‘Dahil nagsasalita lang siya, she’s just speaking now kasi she wants Maria Mercedes to be promoted’ and everything but we talked about it and since I was chosen to be Maria Mercedes they told me na they want people to know me and I also want people to know me kaya sinabi ko sige it’s a go. Mag-solo presscon tayo, not necessarily for Maria Mercedes, but for me. It just so happened na malapit na rin i-air ang Maria Mercedes and natawa ako that people accepted it warmly so nakakatuwa.

Ngunit sa pagiging mas bukas ni Jessy tungkol sa kanyang buhay, mas naging aktibo din ang mga bashers sa paglabas ng ilang mga negatibong komento. Para sa dalaga, “Siguro ganun lang yun it’s how you balance things, kung merong good may bad. You won’t know if it’s good if you don’t know the bad, alam mo yun. So, it comes with attention na kapag napapansin ka talaga ng tao hindi lang yung mabubuting bagay ang mapapansin nila, maghahanap at maghahanap sila ng pwede mong ikasama. Sa akin it’s normal, it’s life. Hindi lang siya sa showbiz nangyayari maging sa real life. I think lahat naman tayo may good and bad.”

Sa ngayon ay makulay ang buhay pag-ibig ni Jessy dahil sa ilang umamin ng panliligaw sa dalaga at isa na nga dito si Sam Milby. Ayaw mang tawaging panliligaw ni Jake Cuenca ang kanyang ginagawang pagsuyo sa dalaga, umamin din ito ng kagustuhan kay Jessy. Sa ilang mga katanungan ng press tungkol sa mga nanliligaw sa kanya, sinabi niyang hindi lang naman sila ang nanliligaw. Nakatanggap ang sagot na ito ng sari-saring reaksiyon mula sa social media. Kaya naman nang kunin ng Push ang pahayag ni Jessy tungkol dito, aniya, “Hindi ko nga alam, Siguro na-blown out of proportion lang, kasi nagjo-joke lang, nagbibiruan lang kami nun sabi nila. ‘Naku ang daming nanliligaw sa iyo e sa akin naman…’ well hindi lang iisa pero hindi ko naman sinasabi na sobrang dami na Wow! Ang akin lang kasi nagkataon na may umamin at hindi ko din naman mapipigilan yun at kung meron man eh di okay, nasaan sila, alam mo yun. Nakakatuwa lang at nakakaganda yun sa babae, nakakatuwa naman i-share na I am being admired by a lot of people. Siguro naman meron ding mga babae, oo naman tayong mga babae kinikilig at natutuwa din for being admired for who you are and to those who got offended dun sa comment ko well I guess, siguro ano lang, na-blown out of proportion lang siya at naglolokohan lang kami nun and yun man ang perception nila okay I really can’t please everyone so yun.”

Inihayag din niya ng kanyang saloobin tungkol sa mga sinasabi ng ilan na mas lamang si Jake kumpara kay Sam dahil pagdating sa oras ay mas nakakasama niya ito dahil pareho silang kabilang sa Maria Mercedes. Pero ayon kay Jessy, “Sobrang oo siyempre may difference pero ang sa akin, it doesn't really matter kung kasama mo siya o hindi. Kung talagang kayo para sa isa’t isa, eh di kayo. Ang akin lang, I am not rushing into things and I’d rather focus on what’s being… kumbaga ang love life ko ngayon ay ang Maria Mercedes. Heto ang binibigay sa akin ngayon. Bakit hindi na nga muna ako mag-focus? Sila nandiyan sila, they express their feelings, they want people to know so I guess it is also there choice na sabihin at ipakita kung ano ang gutso nilang mangyari at intentions nila.”