Maricel Soriano denies that Eugene Domingo has a big ego

Maricel Soriano says she wants to work on more projects together with the Eugene Domingo.

BY RHEA MANILA SANTOS

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

9/14/2013 10:27 PM
Maricel Soriano denies that Eugene Domingo has a big ego


091413-Maricel_Mainphoto.jpgIn her first Star Cinema project this year, Maricel Soriano admitted she really enjoyed working for the first time with Momzillas director Wenn Deramas and Eugene Domingo. “Tuwang tuwa ako kasi sobra akong na-excite sa pelikulang ito. Ako dito yung nanay ni Billy Crawford. Si Uge naman ang nanay ni Andi (Eigenmann). Sobra nga kaming masaya sa set, isa siyang napakalaking blessing para sa aming lahat. Palagi kong sinasabi kasi totoo siyang kaibigan at masaya kami sa set. Nung isang araw na nag-shu-shoot kami sa beach, naka-13 sequences talaga kami na parang hindi namin naramdaman kasi nga tawa kami ng tawa. Sobrang saya. Tapos nagtataka siya bakit parang ang dali naming natapos yung eksena na parang hindi kami nag-shooting. Dahil siguro nga sa sobrang dedikasyon namin sa ginagawa namin, hindi kami nagmumukhang nahihirapan dahil masaya naming natatapos yung ginagawa namin kaya hindi kami mukhang pagod.Enjoy na enjoy kami talaga. Heto yung pelikulang ginawa ko na ewan ko ba kung bakit looking forward ako palagi na dumating sa set ng maaga dahil masaya. Alam mo yung feeling na masaya ka talaga. Totoo yun,” she shared.

Having worked with Eugene in previous projects already, Maricel said it was comfortable for them to work together again. “Eh kasi napaka-professional niyang tao at napaka-dedicated niya sa kanyang trabaho. Kasi taga-teatro sila nila Candy (Pangilinan) at Joey (Paras), talagang alam nila yung mga ginagawa nila at aka dedicated talaga sila sa kanilang craft. Yun ang talagang bilib na bilib ako sa kanila,” she said. Maricel said she does not think Eugene has a big ego. “Ay wala siyang ganun. Hindi siya ganun,” she insisted.

The Diamond Star also said she would not mind passing on the title of “Comedy Queen” to her co-star. “Naman, si junior pa? Oo naman. Alam mo, marami namang mahuhusay talaga ngayon hindi ba? At marami din sila na nakikitaan ko ng potential. Pero siyempre kailangan din natin na maging dedicated. Titignan ko muna kung dedicated sila. Kasi maraming magaling, marami din bang dedicated? At yung totoong nagmamahal sa trabaho. Kasi kung minsan, naiintindihan ko yung umiinit yung ulo, pero ang hindi ko baka maintindihan ay yung paglaki naman ng ulo. Ay susundutin ko ng aspile yan pag ganun. Ayoko ng ganun, bawal (laughs),” she said.

Maricel said she would like to collaborate on more projects with Eugene in the future. “Kailangan pa namin magtrabaho ng magtrabaho. Kasi yun naman ang meron sa amin, lahat naman ng trabaho namin pinaghihirapan namin. Si Eugene kaibigan ko talaga ito dahil nag-umpisa kaming magkatrabaho sa Bahay Kubo, dun pa lang naging close na kaming dalawa dahil napag-alaman namin na parehong sira ulo namin (laughs). Hindi lang sa aspetong yun pati yung nagkagaanan na kami ng loob nun nagkatrabaho kami. So dun pa lang close na kami. Naging magkaibigan na kami kaagad,” she explained.

The 48-year-old multi-awarded actress, who plays a doting mother who is lifelong rivals with Eugene's character in Momzillas, said that movie goers will not just laugh but also learn from watching their film. “Pareho kaming nanay dito, yung away namin sa eksena na nagsasabunutan kaming dalawa na we hate each other pero sa bandang huli may mangyayari na maganda sa aming pag-aaway. May lesson kasing makukuha dito ang mga tao pero hindi ko masabi mismo kung ano dahil depende dun sa tao na manunuod kung sino siya dun, kung ano siya dun sa pelikula, dun nila ma-be-base kung ano yung lesson na makukuha nila,” she said.

Maricel also considered herself lucky to work with young stars Billy Crawford and Andi Eigenmann. “Pagdating sa mga bagets, lagi akong suwerte kasi sila lagi ang nakikita ko lagi silang dedicated sa trabaho nila, lalo na itong si Billy kasi nakikita ko na every day nasa TV siya. Pero pag kailangan na siya sa set, wala akong naririnig na, 'Ma, pagod na pagod ako.' Walang kapaguran ito. Nagugulat talaga ako dahil hindi siya napapagod magkuwento. Mabuti pa nga si Andi nakaka-nap sa set namin eh. Kasi pagdating nakikita mo naman na pagod galing na naman sa taping. Ito naman ang sipag sipag magtrabaho ng bata, yun naman ang kaibahan nilang dalawa. Ito namang anak kong ito, hindi napapagod magtrabaho pero pagdating sa set daldal pa rin ng daldal. Kinikuwento ko lang yung totoo kasi nakakatawa,” she admitted.