• Home
  • Fresh Scoops
  • Wenn Deramas on Maricel Soriano: 'Hindi ko pinapahalatang star struck ako'

Wenn Deramas on Maricel Soriano: 'Hindi ko pinapahalatang star struck ako'

Wenn Deramas admits he has always been a fan of Diamond Star Maricel Soriano.

BY RHEA MANILA SANTOS

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

9/13/2013 10:20 PM
Wenn Deramas on Maricel Soriano: 'Hindi ko pinapahalatang star struck ako'


091413-Wenn_Mainphoto.jpgAfter doing Bromance earlier this year, director Wenn Deramas is back with his newest comedy flick Momzillas which also serves as the comeback project of Diamond Star Maricel Soriano. Direk Wenn said the comedy, which also stars Eugene Domingo, is very different from his past films. “Malaking pagkakaiba kasi sa D' Lucky Ones ay sobrang close yung dalawang nanay, si Pokwang at si Uge, tapos pinipilit nilang ipagkasal ang kanilang mga anak. Dito naman ay si Uge ang legal na asawa at si Maricel naman ang naging kabit na naging dahilan kung bakit nasira ang pamilya niya. So nag-abroad si Uge for 20 years tapos magugulat na lang siya na ang mapapakasalan ng anak iya ay anak ng babaeng sumira ng kanyang family. Si Christian Vasquez ang tatay ni Andi Eigenmann,” he shared.

Another feature of the movie that direk Wenn is quite proud of is the use of computer-generated animals. ”Yung pelikulang ito kaya masaya dapat sa set kasi mahirap yung ginagawa namin. Bago yung mga eksena kasama yung animals, dapat may eksena sila kasama yung ulo ng leon. Sobrang binusisi rin kaya ngayon lang din ito ipapaplabas na dapat July pa ito ipapalabas ay dahil ayoko na ilabas ito ng pucho-pucho lang yung pagkakagawa nung effects. Okay lang maghintay basta siguruhin na maganda yung trabaho,” he said.

Among all his movies, direk Wenn said Momzillas is very special because he is working with his childhood idol. “Hindi naman dapat ikahiya na ako ay isang talaga namang movie fan at lagi kong sinasabi yun. Kung ang nanay ko ay isang solid na Noranian hanggang matigok at ako ay talaga namang mula John En Marsha ay hinahangaan ko itong babaeng ito. To the point na laging sinasabi ng mga kaibigan ko lalo nung nasa college ako, ginagaya ko siya sa pagsasalita. Hindi ko alam kung bakit gustong gusto ko siya, siguro yung pagiging totoo niya,” he admitted.

Direk Wenn said that he enjoyed getting to know Maricel better during their downtime on the set. “Kapag kini-kuwentuhan ko siya ng mga pelikula niya minsan nakakalimutan niya pero ako hindi ko nakakalimutan. Tapos marami rin akong nakatrabaho na mga superstars, halos lahat din. Pero hindi nawawala sa puso ko yung pagiging fan mula nung bata ako. Nung nagtrabaho kami nito sa Maalaala Mo Kaya, yung buhay ni Ai-Ai De las Alas, hindi ko pinapahalatang star struck ako. Ang hirap i-direct di ba kung yung pinapanuod mo ay gustong gusto mo yung ginagawa. Pero linabanan ko,” he recalled.

The director didn't realize he had a lot in common with the veteran actress as well. “Ang maganda kay Miss Maricel Soriano, parang ang dami-dami naming bagay na magkatulad. Yung nagugulat na lang ako ultimo yung si Jimmy Melendez yun pala yung una niyang crush, crush ko din. In awe ako lagi kapag nagsasalita siya lalo na nung pumunta ako sa bahay nito. Kasi ganun rin pag pumunta kayo sa bahay ko, puting unan, yung ganun. Tapos yung banyo pareho. Hindi ko lang sinasabi sa kanya pero kaya pala ganun na lang yung pagka-gusto ko, parang ako yun. At lalo kong napatunayan nung una kaming nagsama ngayon sa pelikulang ito, kita niyo may kasunod na agad, yung Girl Boy Bakla Tomboy. Tapos meron pang susunod. Kaya sa akin, hangga't pinapaniwalaan ko yung nakikita ko at naramdaman ko ano yung na-experience ko with her, kahit anong sabihin ng ibang tao, yung akin ang paniniwalaan ko. Yung sa iba, para sa akin hindi yun totoo, inimbento lang yun (laughs),” he added. 

The Momzillas director also talked about his “anak-anakan” Andi Eigenmann who is also in the film and plays the role of Billy Crawford's fiancée. “Tatlong taon pa lang yan kinakarga ko na yan eh. Tapos diba nag-Mula Sa Puso kami ni Jaclyn (Jose) kaya kilalang kilala ko yan kaya nga kunyari sa drama, parang boses ko pa lang o haplos ko pa lang umiiyak na yan. At ako lang din naman ata ang taong nakakabatok diyan bukod sa nanay niya at ina-allow ng nanay niya. Meron akong lisensya na pagalitan, sabihan, pangaralan kasi alam niya na minahal ko yan mula pagkabata,” he shared.

Despite all his blessings, direk Wenn said he will always choose to remain humble. “Hindi kasi lahat ng tao ay nabibiyayaan ng ganitong sunod-sunod na trabaho so wala ako sa posisyon na mag-inarte kung bini-bless ka ng Panginoon, na pinaphiram ka ng ganitong talento para makapagtrabaho and eventually makatulong dun sa ibang tao. Binibigyan ako ng ganitong talent para makagawa ng nakakatawang pelikula na fortunately ay pinapasok ng mga tao dahil gusto nila makanuod ng nakakatawa para meron akong pambili ng pagkain para sa mga taong tinutulungan ko din, mga mahal sa buhay. Alam ni Lord yun,” he said.