• Home
  • Fresh Scoops
  • Billy Crawford reacts to Nikki Gil's statement about their breakup

Billy Crawford reacts to Nikki Gil's statement about their breakup

Billy Crawford says that everybody should move on from his breakup with Nikki Gil.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

9/13/2013 9:10 AM
Billy Crawford reacts to Nikki Gil's statement about their breakup


091313-billy_main.jpgSa nakaraang Star Magic Ball, mag-isang dumalo sa okasyon ang bagong kahihiwalay lang na si Nikki Gil at dito ay nakapanayam siya ng ilang press tungkol sa hiwalayan nila ni Billy Crawford. Hindi na masyadong nagsalita ang dalaga ukol dito basta’t ayon sa kanya ay napatawad na niya kung anuman ang namagitan sa kanilang dalawa at patuloy siyang nagmo-move on.

Sa bloggers conference ng bagong pelikula ni Billy na Momzillas, naitanong sa kanya ang rason kung bakit hindi siya nakadalo sa Star Magic Ball. “Out of town, corporate event.” At ang matipid na reaksiyon ng binata tungkol sa sinabi ni Nikki tungkol sa kanilang dalawa, “I guess thanks, so move on. Keep moving.”

Sinabi din ni Nikki sa kanyang panayam na hindi man sila magkaibigan ng dating karelasyon ngayon, baka sakali sa hinaharap ay maggawa din nilang maging mabuting magkaibigan. Ang sagot naman ni Billy dito, “Yeah sure.” Dagdag pa niya, “I already said this before that I wouldn’t answer anymore kasi it’s redundant na e, it’s continuously being said over and over again and it’s manipulated into something else. I think we should just respect her and eventually respect me for our decision because it’s between us and not everyone else.”

Pagdating naman sa pinakabago niyang proyekto na Momzillas kung saan kasama niya ang Diamond Star na si Maricel Soriano at isa sa mga blockbuster comedy actresses ngayon na si Eugene Domingo, natanong si Billy kung may pressure ba na tumabo din sa takilya ang kanilang pinakabagong pelikula nila. “I am just really confident enough kasi sa lahat naman ng binigay ni Direk Wenn (Deramas) sulit na sulit ang mga tao and what more do you want. You have a director like Direk Wenn V. Deramas and Ms. Maricel Soriano and Ms. Eugene Domingo and Andi (Eigenmann), and everyone na nakasama sa pelikulang ‘to and I think people will really enjoy.”

Sa ngayon ay mas nalilinya si Billy sa mga comedy roles pero open din naman siya sa dramatic roles. “If there is a good script and if there is an opportunity. Pero gusto namin araw-araw sa Showtime, gusto namin magpasaya ng tao at of course nakakasaya din sa amin yan. I love doing comedy films.”