• Home
  • Fresh Scoops
  • Gerald Anderson blessed with new movie, primetime teleserye; gives back thru charity basketball game

Gerald Anderson blessed with new movie, primetime teleserye; gives back thru charity basketball game

The actor says he can't thank his fellow celebrities enough for their praises for the movie “OTJ.”

BY PATTY RAMIREZ

FRESH SCOOPS

9/1/2013 11:05 PM
Gerald Anderson blessed with new movie, primetime teleserye; gives back thru charity basketball game


090213-gerald_main.jpgNitong Linggo, sa live feed ng “The Buzz” sa Makati Coliseum kasama si MJ Felipe, ibinahagi ni Gerald Anderson ang isa sa kanyang activities para sa Hero Foundation, isang institusyon na tumutulong sa mga anak ng sundalong namatay sa gera. Kasama ang kanyang mga celebrity friends tulad nina Rayver Cruz, JC Devera, Ejay Falcon, Aaron Villaflor, Enrique Gil at marami pang iba, maglalaro sila ng isang star-studded basketball game at ang mga malilikom na pera mula sa ticket sales ay mapupunta sa Hero Foundation. “Pangarap ko kasi maging sundalo,” sabi ni Gerald nang tanungin kung bakit malapit sa puso niya ang foundation.

Inaasahan naman ni Gerald na darating ang kanyang girlfriend na si Maja Salvador para i-cheer siya sa kanyang game. Nabanggit din sa interview na nagdaos pala ng isang special block screening si Maja para sa critically acclaimed movie ng kanyang boyfriend na “OTJ.”

Malaki din ang pasasalamat ni Gerald sa kanya kapwa artista na pumuri, ‘di lamang sa kanya, kundi sa lahat ng taong bumuo ng pelikula. “Grabe sobra, sina Bianca Gonzalez, Daphne Osena, sina Rina Jimenez-David, Ogie Diaz, Janice De Belen, Angelica Panganiban, Rajo Laurel, Kris Aquino at Vice Ganda, nakakaiyak lahat ng sinabi nila. I’m so thankful kami nina Piolo (Pascual), cast and crew, kay direk Erik (Matti), lahat kami thankful sa inyo.”

Nagimbita din si Gerald sa kanyang upcoming teleserye ngayong Lunes, 9:45pm, ang “Bukas Na Lang Kita Mamahalin” sa Primetime Bida. Kinakabahan pa din daw si Gerald kahit pa ilang drama na ang nagawa niya. “These two projects (OTJ and Bukas) are the some of the best in my career. Baka ‘di na maulit ‘yung ganitong feeling, ninanamnam ko lang, enjoying every moment,” sabi pa ng aktor.