• Home
  • Fresh Scoops
  • Derek Ramsay and Cristine Reyes “admit” their relationship via social media

Derek Ramsay and Cristine Reyes “admit” their relationship via social media

Derek says he and Cristine became a couple last August 28.

BY PATTY RAMIREZ

FRESH SCOOPS

9/1/2013 11:10 PM
Derek Ramsay and Cristine Reyes “admit” their relationship via social media


090213-derektin_main.jpgNaging magkaibigan sa set ng “No Other Woman” noong 2011 sina Derek Ramsay at Cristine Reyes pero nagkaroon ng mga bulong-bulungan na more than friendship na ang namamagitan sa dalawa nang madalas silang makita na lumalabas ng magkasama. Noong una ay itinanggi ni Cristine na nililigawan siya ng aktor. 

“Wow naman, ligaw agad, di ba pwedeng friends?” sambit ng aktres. “Gusto ko munang mag-focus sa life ko. Para sa kin mas maganda kasi na makilala mo muna yung tao bago kayo pumasok sa isang relasyon. Mas maganda yung magkaibigan muna kayo.” 

Pero hindi namatay ang mga espekulasyon ng publiko dahil makikita ang palitan ng dalawa ng tweets, paged-date kasama ang ilang kaibigan at ang pagpapalit ng pangalan ng Instagram account ni Derek ng “kingderekramsay” na parang ipinattern sa Instagram name naman ni Cristine na “queencristinereyes”

At sa press conference ng “Bukas Na Lang Kita Mamahalin” noong August 27, na corner ng “The Buzz” si Cristine kasama ng ilang press tungkol sa bagay na ito. Nabuking ang aktres sa kanyang mga sinabi na, “Single pa din ako and I don’t know … magsisinungaling lang ako, delete niyo yun! (laughs)”

Hindi naman daw kasi nawala ang communication nila ni Derek since nagkatrabaho silang dalawa. Sa katunayan daw ay inaya pa siya ni Derek na tumulong sa ilang nasalanta ng bagyo kamakailan lang.  Subalit biglang kabig pa din si Cristine sa bandang huli. “Pwedeng bigyan niyo muna ako ng time, ‘di ko pa alam kung paano sasagutin yan sa ngayon dahil gusto ko pagmagsasalita ako …yung sigurado na.” 

Marami daw siyang nagustuhan na katangian ni Derek. “Pareho kaming baliw, pareho kaming outgoing, family man, yun ang pinakagusto ko sa kanya.” 

Nakilala na din daw ni Cristine ang mga magulang ni Derek noon pang panahon na inawardan sila ng Box Office King and Queen. 

Sa isang website naman, inamin ni Derek na sila na nga ng aktres ng isang araw. 

Matapos ang presscon ay napagkasunduan ng dalawa na ibahagi na ang balita sa publiko. Kaya sa kanyang Instagram account, pinost ni Cristine ang kanyang larawan na may caption na nanagsasabing, “Not just your girl, I am your everything” kasama ang mga naka spell out na numbers na 8-28-2013, na tila tumutukoy sa pagiging opisyal ng kanilang relasyon. 

Sa special screening ng “Bukas Na Lang Kita Mamahalin,” kinuha din ng “The Buzz” ang reaction ni Rayver Cruz na dating boyfriend ni Cristine at kasama sa teleserye. “Basta happy si AA (palayaw ni Cristine) happy ako.” 

Awkward naman daw kasi para kay Cristine ang sitwasyon at kinakabahan din siya sa reaksyon ni Rayver.  Kita naman daw sa mukha ni Cristine ang saya sabi ni Rayver kaya’t totoong masaya siya para sa dating kasintahan. 

Noong Sabado ay nagshare na ng maikling video sa Instagram si Cristine ng kanilang kulitan ni Derek sa bahay ng boyfriend na tinawag niyang “My King’s Crib.” Si Derek naman pinost ang picture nila ni Cristine habang magkahalikan na may caption na “This is forever.”