• Home
  • Fresh Scoops
  • Claudine on Raymart's alleged violence towards her: 'Iniisip ko na baka ako ang may kasalanan'

Claudine on Raymart's alleged violence towards her: 'Iniisip ko na baka ako ang may kasalanan'

The actress breaks her silence regarding the case she filed against husband Raymart Santiago.

BY PATTY RAMIREZ

FRESH SCOOPS

9/1/2013 10:55 PM
Claudine on Raymart's alleged violence towards her: 'Iniisip ko na baka ako ang may kasalanan'


090213-claudine_main.jpgDagdag sa dalawang kasong kinasasangkutan nina Claudine Barretto at Raymart Santiago ngayon, isang panibagong reklamo ang isinampa ni Claudine Barretto sa korte laban kay Raymart Santiago, ang Republic Act 9262 o Violence Against Women and Children. 

Kasama ni Claudine sa Marikina Trial Court nung Huwebes ang kanyang mga abugado, miyembro ng Gabriela, at ate niyang si Mitchie, inang si Inday at sa unang pagkakataon matapos ang ilang kontrobersoya ay lumabas ang kanyang amang si Mike para sumuporta din sa kanya. Humarap sa media si Claudine para basahin ang kanyang statement. “Today I’m breaking my silence. I have decided to stop and end the abuse and violence and make my husband criminally and civilly liable for all his actions. I took the big step of stopping, ending the abuses of my husband by filing a criminal complaint against him. To all the women out there who suffered my plight or still suffering the said plight, I encourage you to break your silence and stop the abuse. We have to stop the abuse. We have to stop being scared and afraid.” 

Ayon sa kampo ni Claudine, nagsimula ang pang-aabuso ni Raymart noong 2002, apat na taon bago sila kinasal,at  hanggang 2013 patuloy diumano ang pang aabuso nito. “We have pictures, medical certificates to prove these physical violence. We also have pictures of the wounds of Claudine. We also have bank statements regarding the economic abuse. We also have affidavits from members of her family for the psychological abuse,” paliwanag ng abugado ng aktres. 

Ipinaliwanag din ni Claudine kung bakit ngayon ay isinisiwalat na niya ang katotohanan. “Noong una kasi you are in denial eh. Iniisip ko na baka ako ang may kasalanan, baka ako ang may problema. Bakit ngayon lang, gusto ko yung buong-buo yung salaysay ko.”

Isinisi naman ng ina ni Claudine na si Inday ang pagbabago ng personalidad at paglamlam ng karera ng kanyang anak kay Raymart. “The slip down of her career. She’s not anymore the Claudine Barretto (we know), she has become fearful, she’s become elusive. Wwala na. I’ve lost my daughter.”

Samantala, dumepensa naman si Raymart sa mga akusasyon sa kanya. Inasahan na daw ng kanyang kampo ang paghahabla ni Claudine. “Hinihintay ko lang kung kalian. At meron akong sagot doon sa mga sinasabi nila sa akin. Meron silang ebidensya, meron din akong ebidensya. So sa ‘kin nandiyan na, nasa korte na, alam kong lalabas din ang katotohanan. ”

Mahirap din kay Raymart na isapubliko ang away nilang mag-asawa. “Kahit papano, asawa ko siya. Para sa kin, nun nangyari to lahat, contained lang, hindi dapat pinublicize na ganun kalaki. Natuloy yung gusto niya, kaya yun din ang ibibigay ko sa kanya.”

May pahiwatig din si Raymart sa kanyang mga in-laws. “Alam niyo, na alam niyo yung totoo. Mommy, Daddy alam niyo yung totoo. Tayo-tayo naguusap dati, yung problema ni Claudine. Sana panindigan nila yung sinabi nila laban sa akin.”