• Home
  • Fresh Scoops
  • Ogie Alcasid on fatherhood, his music, OPM and his latest projects

Ogie Alcasid on fatherhood, his music, OPM and his latest projects

Ogie is proud of his contribution to Filipino music.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

8/8/2013 10:24 AM
Ogie Alcasid on fatherhood, his music, OPM and his latest projects


080813-Ogie_Main.jpgNaging hitik ang usapan ni Ogie Alcasid at Boy Abunda sa “Ikaw Na!” segment ng Bandila noong August 7. 

Nang tinanong ng host na si Boy Abunda si Ogie tungkol sa pagiging ama, ito ang sagot niya, “Ang sarap e. Alam mo sa edad namin ni Regine, na meron kaming one-year old and eight-months (old baby), you wonder kung saan namin nakukuha ang energy namin e. Pero pag ganun ka-cute ang anak mo, ganun ka-talino, ganun kalambing, wala e..ang sarap. He’s a blessing.” Masayang kuwento ni Ogie na naiisantabi na niya lahat kapag nandiyan na ang anak niya at siya raw ay naging “nicer kasi dapat pasensiyoso ka (sa anak mo) ‘di ba.” Mas maaga na rin siya natutulog dahil maaga nagigising ang kanyang anak na sin Nate. 

Sa antas naman ng musika, pinuri ni Boy ang pagsulong ni Ogie Alcasid ng OPM at ayon kay Ogie ang masasabi niya kay Nate na pinakalamaking kontribusyon niya sa OPM ay, “yung sumulat ako ng mga awitin na galing sa puso ko na inaawit ng mga Pilipino.”

Kinumusta rin ni Boy ang OPM ngayon at base kay Ogie masigla ang lagay nito.
“Mahusay. Napakaganda ng andar. Mula ng kami ay napunta sa OPM, ang ganda from 2010 hanggang ngayon. Ngayon lahat laganap, naririnig mo na sa radyo ang magagandang awitin. Si Daniel Padilla hit na hit, all these songs na kinakanta ng mga kabataan ngayon halos lahat OPM.” 

Pinuri ni Ogie ang role ng radyo sa pagtulong sa industriya ng OPM. “Kuya Boy hindi na kailangan ng regulation kasi suportado tayo ng radyo. Sila na mismo ang tumutulong sa industriya at hindi na kailangan dahil nirerequest na mismo ng mga tao.”

Naalala ni Boy ang isa sa mga naging panayam niya noon kay Ogie kung saan napag-usapan nila ang heartbreak at love bilang inspirasyon sa pagsulat ng musika. Ayon kay Boy, “I will not forget one conversation because it was in that conversation where you told me , alam mo ba yung nararanasan mo yung ‘gutted’ ka? That word I will not forget.” 

Ani Ogie pareho lang daw matimbang ang subject ng heartbreak at love sa paglikha ng awitin. “Pareho lang, aaminin ko mas mabenta yung heartbreak, kasi parang mainit na kape yan e, pag hinigop nakakapaso pero may ginhawa for some reason. Pero yung awitin ng tunay na pagibig ang sarap nun.” Kumanta si Ogie ng ilang linya bilang patikim sa kanyang sinasabi, “Ikaw ang aking pangarap/ ikaw ang sagot sa kaing dasal/puso ko ay iaalay/ pagkat minamahal kitang tunay/” Dagdag pa niya “walang kapaighatian dun because it’s real love.”

Pinakanta rin ni Boy kay Ogie ang ilang linya mula sa “Nandito Ako,” ang naturingang biggest song ni Ogie. Naging rebelasyon na hindi pala siya ang nagsulat ng kantang iyon kundi ang kanyang kaibigan na Aaron Paul Del Rosario. 

Nag-imbita si Ogie sa kanyang concert next week na pinamagatang I Write The Songs. “Alam mo I have worked with so many people in the industry for these past 25 years and on this night kasi, gustong gusto ko yung concept na ginawa ni David Foster in his concert. So, it’s sort of similar, where yes, ako ang bida sa concert but really I believe ang bida dito yung mga awitin ko, so you’ll be seeing a lot of new and old artists sing my song, not only myself, but coming in and out parang mabibigla ka na lang. So it’s one celebration of all the songs that I’ve written for 25 years and a celebration of great OPM music.”

Sinabi rin ni Boy, na nasubaybayan ang 25 years ni Ogie sa industriya, na naging inspirasyon si Ogie sa mga nangangarap umawit. “You came at a time when nung pumasok ka sa music industry, you became a music super star and you defied all the rules.” Dagdag pa ni Boy, “You make me proud dahil ang puhunan mo ay hard work, tenacity at talagang hindi ka huminto and of course talent prevails.”

Pabiro pang idinagdag ni Ogie na akala niya kasama dun ang kanyang “good looks.” Sabay bawi naman si Boy na “given” na iyon. Ika pa ng host, “Saka you also came at a point in the industry na may formula e, tisoy, matangkad (pero) minsan ang pinaguusapan natin dito ay puso” at marami raw noon si Ogie. 

Ogie cannot be anything but grateful for all of these. “Salamat, ako e pinalad, naging mabait sa akin ang ating panginoon at ang ating mga minamahal na fans.” Sinagot naman ito ni Boy nang, “Kasi mabait (ka) na tao. You’re one of the most beautiful people I’ve known in the industry.” 

Patuloy pa rin ba ang raket?” Ito naman ang tanong ni Boy kay Ogie tungkol sa kanyang pelikula na Raketeros na showing na ngayon. Kasama niya dito si Mayor Herbert Bautista, Dennis Padilla, Andrew E., Long Mejia at iba pa. “Ako si Julio, isang funeral singer at nakkita niyo naman yung jacket ko na makulay na makulay, so iba iba kami ng mga raket. Si Dennis e sumasargo siya sa bilyar, si Herbert e cable guy, si Andrew is supposedly a priest.” 

Ang pelikula ay produced by Heaven’s Best and distributed by Star Cinema and directed by Randy Santiago. “Ito yung old school comedy na ginagawa namin noon na binalik lang namin.”