• Home
  • Fresh Scoops
  • Bryan Termulo talks about being a working student and not having time for his love life

Bryan Termulo talks about being a working student and not having time for his love life

Bryan Termulo balances his life as a college student and his career as a singer and an actor.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

8/7/2013 4:05 PM
Bryan Termulo talks about being a working student and not having time for his love life


080713-bryan_main.jpgMasaya si Bryan Termulo sa magandang pagtanggap ng tao sa kinabibilangan niyang seryeng Huwag Ka Lang Mawawala na pinagbibidahan ng Queen of Pinoy Soap Opera’ na si Judy Ann Santos. “Actually yun pa lang ang pinaka-project na acting job this 2013. So bukod nga sa kumakanta ng mga teleserye theme songs, Huwag Ka Lang Mawawala is my first time, official (soundtrack) din.” Ngunit iginiit ni Bryan na ngayon niya pa lang inaaral ang pag-arte, “Singing is my first love and then acting is another craft na ine-explore ko pa.”

Sa kasalukuyan, maliban sa pagkanta at pag-aartista, nag-aaral pa rin si Bryan ng kolehiyo. Kaya naman nang matanong kung paano niya naayos ang kanyang oras na magampanan ang lahat ng kanyang obligasyon bilang artista at estudyante lalo pa’t paiba-iba ang oras kapag artista ka, aniya, “Oo nga eh, tapos may OJT (on-the-job training) pa ako. Medyo mahirap kasi kung pwede lang hatiin yung katawan para ma-meet ko yung mga deadlines ko particularly yung school and OJT. Ano lang, a matter of time management and then paalam ka lang sa mga professors sa school. Pwede naman minsan sa EP (Executive Producer) if meron akong prior commitment. Mabuting pakikiusap at mabuting pakikitungo lang sa katrabaho.”

Nagsalita din si Bryan sa sinasabing biglaang pagsabak sa kanyang sa pag-arte. “Lahat kasi ng mga artista dun meron na silang award, or na-recognize na sila so ako parang ang hirap makipagsabayan but I have to adjust from being a singer to actor na.”

At sa dami ng pinagkakaabalahan ngayon ni Bryan, naitanong na rin ang singer kung may panahon pa ba siya para sa kanyang personal na buhay lalo na sa love life. “Wala. Marami kasi akong iniintindi like pag-iipon. Ang pag-aartista kasi everyday may nirerecruit ang mga network so iniisip ko kapag dumating yung time na wala na at least meron akong naipon na for myself and family at saka na experience ko yung isang bagay na dapat ma-experience ng isang artista.” Ibinahagi ni Bryan na kasalukuyan ang construction ng kanyang ipinapatayong bahay sa Marilao, Bulacan.

Sa kasalukuyan, napakarami din nilang singers at aktor dito pa lang sa kapamilya network kaya naman sinisiguro ni Bryan na tumatatak siya lalo kapag nagpeperform siya on stage. At ang kanyang edge sa kanila, “Kapag sinabing edge minsan hindi ko na rin alam kasi ganun din naman iisipin ng ibang singer, paano nila pagagandahin. Ang napapansin ko lang kapag gumagawa ako ng mga theme songs, when I sing it outside sa mga probinsya, talagang naiisip ko na ang lakas pala ng impact ng song na ginagawa ko. So every time I do teleserye theme songs, iniisip ko pa lang hindi ko pa nagagawa parang ‘Okay ba ito sa tao?’ but every time na pineperform ko siya, iba yung impact sa akin.”