• Home
  • Fresh Scoops
  • Cristine Reyes denies she has another feud with sister Ara Mina

Cristine Reyes denies she has another feud with sister Ara Mina

Cristine Reyes says she and sister Ara Mina are just busy with work so they haven't had time to see each other.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

8/6/2013 10:05 AM
Cristine Reyes denies she has another feud with sister Ara Mina


080613-cristine_main.jpgSa muling pagbabalik ni Cristine Reyes sa paggawa ng pelikula, sinagot niya ang mga isyu na ikinakabit sa kanya. Isa nga nga dito ay ang sinasabing gym instructor na napapabalitang lagi nitong nakakasama. Mula sa panayam ng Showbiz Inside Report Online kay Cristine itinanggi niyang may katotohanan ito. Aniya, “Wala talaga. Siguro kasi lagi lang ako nag-gym ngayon so yeah, nali-link ako sa gym, hindi sa instructor.” At iginiit din ng aktres na wala siyang karelasyon sa kasalukuyan. “Single ako eh!”

Nagbigay din ng reaksiyon si Cristine sa sinabi ni Rayver Cruz na handa na daw ito pumasok sa isang relasyon. “Kanya-kanya yan eh. Ako tinitingnan ko pa, tina-tantsa ko pa. Kung meron talagang lalaking gugustuhin ako, talagang malalaman ko yun. Hindi yung…date? Date? Ngayon gusto ko muna mag-focus sa work e. Masakit lang na ma-in love ulit.” At sa tanong na kung siya ba ay handa nang muling umibig, “Ready ma-in love? Bigat nun e, parang kailangan maramdaman ko rin yun sa isang tao bago ko ibigay yung love na hinihingi niya.”

Trophy Wife ang title ng pelikulang pagsasamahan nila nina John Estrada, Heart Evangelista, at Derek Ramsay. Kaya naman hindi na rin naiwasang matanong si Cristine kung siya ba ay handa nang lumagay na rin sa tahimik kung sakaling magkaroon siya ng karelasyon anumang oras ngayon. “Ako kasi, ano eh, as long as naramdaman ko na yun. Pero kung hindi ko pa maramdaman, hindi ko pa pipiliin mag-asawa soon. Pero kapag nandun na tayo sa point na yun na sigurado na ako, go! Pero kung hindi, focus muna ako sa work.”

“God-fearing” ang tanging naging sagot ni Cristine nang matanong kung ano ang nais niya sa lalaking kanyang mapapangasawa. At ang pag-uugali naman ng kanyang makakasama habambuhay, “Kailangan mahaba yung pasensiya niya at kailangan kalog din katulad ko. Gusto ko kasi palaging masaya lang eh.”

Napag-usapan din ang relasyon niya ngayon lalo na sa kapatid na si Ara Mina na matapos ang kinasangkutang away at ang pagbabati, napabalitang muling hindi nagkasundo ang magkapatid. “Okay naman. Yun nga lang busy na so hindi ko rin sila nakikita, pero lagi kaming nakakapag-usap sa isang app (social communication application sa mga smartphones). May group app kaming magkakaptid eh.” Dagdag niya pa sa hindi matapos-tapos naisyu na muling tampuhan nila ng kapatid na si Ara. “Actually sabi nga ni ate, ‘Halika na kailangan na tayong magkita kasi natsi-tsimis na naman tayo.’ Eh tinatamad ako e! QC (Quezon City) silang lahat. Ako gusto ko lang naman sa bahay eh, and alam naman ni ate yun.

Naitanong na rin ang ginagawa niyang bagong teleserye sa ABS-CBN na Bukas Na Lang Kita Mamahalin na pinagbibidahan nila ni Gerald Anderson. Marami na ang nag-aabang kung kailan ipapalabas ang kanilang serye at maging siya ay hindi sigurado kung kailan din ito ipapalabas. Ngunit masaya siya na marami na ang nag-aabang na maipalabas ito. “Well happy ako at marami nang naiinip. Pero hindi ko pa rin po alam kung kailan ipapalabas ang Bukas Na Lang Kita Mamahalin pero don’t worry dahil ang dami ko pong ginagawa ngayon at makikita niyo rin. Mapapanood niyo rin yan soon.”