Chito pinag-iisipan ang pagsampa ng kaso

Pinag-aaralan na diumano ni Chito kung sasampahan niya ng kaso ang mga nagpakalat ng video.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

8/6/2013 3:00 PM
Chito pinag-iisipan ang pagsampa ng kaso


080613-chito3_main.jpgSa ulat ni Mario Dumaual sa Star Patrol, sa gitna ng pagkalat sex video ng bokalista ng Parokya ni Edgar na si Chito Miranda at ng aktres nitong girlfriend na si Neri Naig, pinag-aaralan na diumano ni Chito kung sasampahan niya ng kaso ang mga nagpakalat ng video.

Ayon sa report, kumukonsulta na ang management outfit ni Chito para makasuhan din ang mga social networking sites na nag-share ng video. Maari daw itong maging basehan ng kanilang ikakaso sa ilalim ng Cybercrime Law. Ayon naman sa management ni Chito, kay Chito pa rin ang pinal na desisyon kung kakasuhan niya ang mga suspek na hindi pa pinapangalanan.

Sa gitna ng kontrobersiya, nagpahayag na ang mga netizens ng kanilang iba’t-ibang opinyon. Merong mga bumatikos at nagku-kwestiyon kung bakit kailangan pang i-video ang mga pribadong eksena. Sa kabilang dako, marami rin namang nagpaparating ng suporta kay Chito at Neri. Nagpapasalamat naman si Chito sa mga taong nakikiramay sa pinagdadaanan nila ngayon ng kanyang girlfriend. 

Bukod pa rito, todo suporta rin ang mga taong malalapit sa kanila. Ang kapatid ni Chito na si Yna Dalisay ay nagpahayag ng suporta. “The family is 100 percent behind Chito and Neri. I personally think there was absolutely nothing wrong with what they did and for me, there is nothing to be ashamed of and apologize for. Ang may mali yung nagnakaw ng video at patuloy na nagkakalat. Alam nilang it was meant to be private.”

Nagpahayag din ng opinion ang manager ni Neri na si Manny Valera. “Shame on those who continue to share the video on their social networking sites. Let us not judge them. These two people are in love. But it’s clear that Neri Naig’s rights were abused and violated. She did not approve or consented to the uploading of a private video.”