• Home
  • Fresh Scoops
  • Jake Cuenca speaks up about Sam Milby and Jessy Mendiola's rumored romance

Jake Cuenca speaks up about Sam Milby and Jessy Mendiola's rumored romance

Jake Cuenca says it's no surprise that Jessy Mendiola has many suitors.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

8/29/2013 10:34 AM
Jake Cuenca speaks up about Sam Milby and Jessy Mendiola's rumored romance


082913-Jake_Main.jpg

Sa press presentation ng kontrobersyal na pelikulang Lihis ni Jake Cuenca para sa Sineng Pambansa, inamin ng actor na nahirapan siya sa mga eksena nila ni Joem Bascon na ang karelasyon ng kanyang karakter. “It was hard pero I am thankful na si Joem ang naging katrabaho ko so it made it easier... This is the movie that the third sex, homosexuals or gay people will all be so proud of and be proud to be gay and that is something I want them to see.”

Di ba kinakabahan si Jake na malinya na siya sa ganitong kalseng mga pagganap? “Gagawin ko ang lahat to break it. Ang maganda lang kasi sa kinalalagyan ko and I am so thankful sa ABS-CBN for this, I have the luxury of choosing what I want to do now. And if ever I get stereotyped to anything else I will try my best to break it because wala akong plano makahon sa isang role dahil ayaw ko ng paulit-ulit ang role. I find that, for me personally as an actor, you want to do different things. Dahil kung paulit-ulit lang ang ginagawa mo it becomes boring. At ang pinakamaganda diyan kapag nagpo-portray ka ng role, its fun at nage-enjoy ka. And you also don’t enjoy eating adobo everyday ‘di ba?”

Isa din sa mga inaabangang proyekto niya ay remake ng teleseryeng Maria Mercedes kung saan gaganap siyang leading man ni Jessy Mendiola. Kamakailan ay naging usap-usapan ang pag-amin ni Sam Milby sa panliligaw nito kay Jessy, kaya kinuhanan ng Push.com.ph ang reaksiyon si Jake tungkol dito.“Well hindi naman ako nagulat kasi ang dami talagang nanliligaw kay Jessy. For one, nakita niyo naman si Jessy napakagandang babae.”

At ang kanyang naging pag-amin nang tanungin siya ng press kung hindi ba siya nagkaroon ng interes na magpahayag ng damdamin kay Jessy, “Siyempre nagkaroon ng interes, napakagandang babae ni Jessy. Pero ang sabi ko naman I am not in a rush at hindi ako yung... ilang beses na akong nalagay sa isang showbiz relationship ang sinasabi ko hindi ako nanliligaw best foot forward. Gusto ko natural na nangyayari.”

Mas madalas na nagkakasama sa trabaho si Jake at Jessy, kung gayon natanong din ang aktor kung pakiramdam niya ay naunahan pa siya ni Sam sa panliligaw. “Maraming nanliligaw kay Jessy and ano lang naman, I think that is good for her and after the relationships that she has been through okay yun and Sam’s my friend. Hindi yun aabot sa punto na mag-aaway kami.”

Kaya naman muli nilinaw kay Jake kung hindi ba siya kasama sa mga nanliligaw sa aktres, maliban sa isang makahulugang pagtawa, ang kanyang naging sagot, “Kaparte ako ng mga tao na tumatangkilik, nag-aadmire at humahanga kay Jessy Mendiola.”

At sa tanong kung nanghihinayang at nasasayangan ba siya sa tila bang ‘advantage’ na meron siya, “Wala pa namang sayang. Wala pa namang nasasayang.” Kaya naman sa kung handa ba siyang makipagsabayan sa panliligaw kay Jessy, “Like I said hindi ako yung tipong lalaki ng nanliligaw kasi gusto ko na natural, nangyayari ang mga bagay-bagay at kung maaappreciate man ng babae yung ganun thank you so much.”

Ngunit para sa kanya, hindi isyu ang kanyang pagiging leading man ni Jessy. “Wala namang basehan yun… na dahil leading man magkakatuluyan.”