Sa press presentation ng
kontrobersyal na pelikulang Lihis ni Jake Cuenca para sa
Sineng Pambansa, inamin ng actor na nahirapan siya sa mga eksena nila ni Joem
Bascon na ang karelasyon ng kanyang karakter. “It was hard pero I am thankful
na si Joem ang naging katrabaho ko so it made it easier... This is the movie that
the third sex, homosexuals or gay people will all be so proud of and be proud
to be gay and that is something I want them to see.”
Di ba kinakabahan si
Jake na malinya na siya sa ganitong kalseng mga pagganap? “Gagawin ko ang lahat
to break it. Ang maganda lang kasi sa kinalalagyan ko and I am so thankful sa
ABS-CBN for this, I have the luxury of choosing what I want to do now. And if
ever I get stereotyped to anything else I will try my best to break it because
wala akong plano makahon sa isang role dahil ayaw ko ng paulit-ulit ang role. I
find that, for me personally as an actor, you want to do different things.
Dahil kung paulit-ulit lang ang ginagawa mo it becomes boring. At ang
pinakamaganda diyan kapag nagpo-portray ka ng role, its fun at nage-enjoy ka.
And you also don’t enjoy eating adobo everyday ‘di ba?”
Isa din sa mga
inaabangang proyekto niya ay remake ng teleseryeng Maria Mercedes kung
saan gaganap siyang leading man ni Jessy Mendiola. Kamakailan ay naging
usap-usapan ang pag-amin ni Sam Milby sa panliligaw nito kay Jessy, kaya
kinuhanan ng Push.com.ph ang reaksiyon si Jake tungkol dito.“Well hindi naman
ako nagulat kasi ang dami talagang nanliligaw kay Jessy. For one, nakita niyo
naman si Jessy napakagandang babae.”
At ang kanyang naging
pag-amin nang tanungin siya ng press kung hindi ba siya nagkaroon ng interes na
magpahayag ng damdamin kay Jessy, “Siyempre nagkaroon ng interes, napakagandang
babae ni Jessy. Pero ang sabi ko naman I am not in a rush at hindi ako yung...
ilang beses na akong nalagay sa isang showbiz relationship ang sinasabi ko
hindi ako nanliligaw best foot forward. Gusto ko natural na nangyayari.”
Mas madalas na
nagkakasama sa trabaho si Jake at Jessy, kung gayon natanong din ang aktor kung
pakiramdam niya ay naunahan pa siya ni Sam sa panliligaw. “Maraming nanliligaw
kay Jessy and ano lang naman, I think that is good for her and after the
relationships that she has been through okay yun and Sam’s my friend. Hindi yun
aabot sa punto na mag-aaway kami.”
Kaya naman muli nilinaw
kay Jake kung hindi ba siya kasama sa mga nanliligaw sa aktres, maliban sa
isang makahulugang pagtawa, ang kanyang naging sagot, “Kaparte ako ng mga tao
na tumatangkilik, nag-aadmire at humahanga kay Jessy Mendiola.”
At sa tanong kung
nanghihinayang at nasasayangan ba siya sa tila bang ‘advantage’ na meron siya,
“Wala pa namang sayang. Wala pa namang nasasayang.” Kaya naman sa kung handa ba
siyang makipagsabayan sa panliligaw kay Jessy, “Like I said hindi ako yung
tipong lalaki ng nanliligaw kasi gusto ko na natural, nangyayari ang mga
bagay-bagay at kung maaappreciate man ng babae yung ganun thank you so much.”
Ngunit para sa kanya,
hindi isyu ang kanyang pagiging leading man ni Jessy. “Wala namang basehan yun…
na dahil leading man magkakatuluyan.”