Stars speak up against pork barrel

Celebrities unite in the “Million in Luneta” march against the misuse of government funds.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

8/27/2013 9:49 AM
Stars speak up against pork barrel


082713-Stars_Main.jpgSa Star Patrol noong August 26 sa ulat ni Gretchen Fulido, iba-ibang henerasyon ng mga artista ang nagpahayag ng saloobin kontra pork barrel nang nakiisa sila sa rally laban dito. Isa itong malaking concern sa mga artista sapagka’t malaki ang binabayaran nilang tax.

Ayon sa ulat, “parang bumalik sa panahon ng pakikibaka” noong dekada ‘80 dahil naroon sina Jim Paredes, Leo Martinez, Noel Trinidad at direktor Jun Urbano. 

Ani Jim, “Whether you are an artist or not, you are paying taxes, lahat tayo nanakawan.

Para naman kay Leo Martinez, kailangan sampahan ng kaso, litisin, ma-convict at ipreso ang may mga kasalanan.

Kailangan tayo lahat makialam at may pakialam,” para kay direk Jun Urbano. “Marami sa atin yung may sariling trabaho, may kinakain araw-araw na walang pakialam kung ano ang nangyayari.” 

Banat naman ni Noel Trinidad, “Hindi sapat yung inumpisahan e, walang kwenta ang inumpisahan, ang importante yung ipagpatuloy, hanggang makuha natin yung gusto natin.” 

Gigil” na rin na nagsalita ang ilang personalidad. Si Robin Padilla ay may mensahe din sa Pangulo. “Kung gusto mong tumulong, hindi mo kailangan ng Senado, hindi mo kailangan ng Kongreso, hindi mo kailangan niyan mahal na Pangulo. Direkta mong ibigay sa mga tao yung pera nila.

Nagsalita rin si Romell Padilla na dapat daw “silipin na ang dapat silipin, parusahan ang dapat parusahan.”  

Dagdag pa ng actress na si Gloria Daz, “Kahit maliit lang ang binabayad ko, where is it going, is it for real or is it going to some people’s pocket?”

Marami pang nakiisang artista sa rally at ano man ang edad nila , isang magandang mensahe ang ipinararating nila, na may kaya ka man o salat, lahat tayo dapat kumilos at magkaisa  para sa ating bayan.