Rufa Mae Quinto celebrates her 20th year in show business

Rufa Mae Quinto bares her all in a coffee table book to mark her 20 years in showbiz.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

8/27/2013 9:39 AM
Rufa Mae Quinto celebrates her 20th year in show business


082713-Ruffa_Main.jpgNgayong nagdiriwang si Rufa Mae Quinto ng kanyang ika-20 taon sa show business, isang coffee table book ang kanyang handog para sa inilagi niya sa showbiz. Ang book na ito ay nagsisilbing memorabilia mula sa kanyang pinakaunang pagganap bilang Gloria Labandera'hanggang sa pinakabago niyang pelikulang Huling Henya.

Ayon sa kanya, paraan niya ito para pasalamatan ang mga sumuporta sa kanya sa loob ng dalawampung taon. “It’s time to give back pati album meron din akoWala lang parang pasasalamat ko sa mga tumangkilik sa Rufa Mae Quinto at naniwala until today. So parang I want to give them something new, give my all.”

Isang napaka-seksi at napaka-daring na Rufa Mae ang aasahan sa kanyang libro. “At tsaka mas grabe pa ang kaseksihan may mga topless and all, wet look ganyan. Kaya ko ginagawa kasi syempre hindi naman laging ganito magiging itsura ko so bago ang lahat, i-capture na natin ang lahat lahat sa akin! Hahaha hindi totoo ‘di ba? Kumbaga inisip ko kelan pa? Kung dati, hiyang hiya pa ko. Sa lagay na yun hiyang-hiya pa ko sa lahat na yun, ngayon di na ko mahihiya, todo na to!”

Kaya naman sa tanong na kaya niya ginagawa ito ay dahil huling hirit niya na ito sa pagiging single at dalaga, “Ay hindi ko na iniisip muna yung… basta ang iniisip ko para sa bayan ‘tong gagawin ko. Hindi na muna kasali yung mga kapartner kasi iba naman sila kasi private sila, ito pang-exposure! Oh ‘di ba! So kumbaga parang gusto ko naman i-enjoy yung show business yung tayo tayo mga taga-hanga and all, entertainment, and artistical…? And artistry ‘di ba? Hahaha Yun muna. Yung love life iba naman siya, private wag siyang sumali sa limelight. Charing! ‘Di ba!”

Kahit na walang love life, masaya si Rufa Mae sa takbo ng kanyang personal at propesyunal na buhay. Sa katunayan ay may dine-date siya ngayon na aniya ay isang childhood friend na isang pribadong indibidwal ngunit hindi pa pormal ang lahat. “Oo naman! Kahit kayo love life ko na din kasi ‘di ba masaya ako sa lahat lahat ng success and happiness and tamang mga tao. Nakita mo naman diba kumpletong casting lagi, professionally done, professional way, hindi parang bara bara ang ganap so parang, dun ako happy kaya tuloy tuloy na to.”

Ipinagmamalaki din ni Rufa Mae na matapos ang kanyang pelikula, maliban sa coffee table book ay mayroon din siyang pinaghahandaang concert. Aniya, “Basta mga pasabog lang naisip ko. Tsaka matagal ko na tong gustong gawin, hindi ko lang maumpisahan kasi hindi ko pa kayang gawin na magisa at tsaka iba iba yung mga priorities. Kumbaga nagkataon lahat ng pinagisipan ko, naisabuhay ngayon with the right time at the right people.”