• Home
  • Fresh Scoops
  • Billy Crawford says he has not greeted Nikki Gil for her birthday

Billy Crawford says he has not greeted Nikki Gil for her birthday

Billy Crawford refuses to further discuss his failed relationship with Nikki Gil.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

8/27/2013 9:48 AM
Billy Crawford says he has not greeted Nikki Gil for her birthday


082713-Billy_Main.jpgSa isang event nagsama-sama ang ilang mga malalaking artista para makatulong sa mga nasalanta ng Bagyong Maring at isa sa mga artistang pumunta ay si Billy Crawford. Aniya, “I think artista or not artista, I think we just want to help each other. I think it’s time to give back, especially kaming artista. Sila kasi sumusuporta sa amin, sila yung nanonood sa amin. Kahit konting pagtulong lang kailangan nila—bigas, canned foods, damit, tsinelas, sapatos—whatever it is, kahit konti lang makakatulong. For us to set an example to do that, I think it’s a blessing.”

Matatandaang matapos ang nangyaring hiwalayan nila ni Nikki Gil, nagbakasyon si Billy sa US at muling nakasama ang kanyang pamilya. Dalawang linggo din nawala sa Pilipinas ang singer at host ng It’s Showtime. Kaya naman kinamusta siya ng ilang press sa kanyang bakasyon. “Mabuti. Mabuting mabuti.” Aminadong miss na miss ni Billy ang kanyang pamilya. “Just like any other normal family, bonding kami, daddy at mommy ko.” At nang kamustahin si Billy matapos ang kanyang pinagdaanan at ang kanyang bakasyon sa ibang bansa, “I’m very, very good. I’m very, very blessed. It’s just good to be back with family.”

Sa dalawang linggo inilagi niya sa US, natanong si Billy na sa lahat ng kanyang napagdaanan nitong mga nakaraang linggo, ano ang kanyang mga nabaong aral at tumanggi itong sumagot. Aniya, “That’s for me to know. That’s for me to know and that’s for me to feel.”

Sa nakalipas na birthday ng dating karelasyon ng apat at kalahating taon na si Nikki Gil, natanong si Billy kung nabati niya na ba ang dalaga o nagpadala man lang ng pagbati. Ang naging matipid na sagot ni Billy, “Not yet. Wala pa eh.” Tumanggi na rin itong magsalita pa nang matanong kung nagkaroon na ba sila ng pagkakataon ng dating kasintahan na makapag-usap. “I don’t want to really talk about this anymore. Thanks!”