• Home
  • Fresh Scoops
  • Eugene Domingo does not feel pressured by other 2013 MMFF entries

Eugene Domingo does not feel pressured by other 2013 MMFF entries

Eugene Domingo says that she sees other 2013 MMFF movies as more choices for moviegoers.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

8/22/2013 11:30 AM
Eugene Domingo does not feel pressured by other 2013 MMFF entries


082213-eugene_main.jpgSa pag-anunsiyo ni Eugene Domingo na si Sam Milby ang kanyang pinakabagong leading man para sa third installment ng blockbuster hit niyang pelikula na may title ngayong Kimmydora ang Kyemeng Prequel, pito ang kanyang makakalaban sa 2013 Metro Manila Film Festival. Ilan dito ay ang pelikula nina Kris Aquino at Vice Ganda na may highest grossing movie of all-time.

Natanong si Eugene kung may pressure ba siyang nararamdaman dahil sa mabigat ang ilan sa kanyang mga makakalaban? “Hindi, kasi we’re just here to enjoy the shooting and then we are just hoping na yung sumubaybay ng 1 and 2 at tska yung mga nanonood sa TV sa Cinema One di ba paulit-ulit siya everyday no? Meron na pong third offering this Christmas. Wag na kayo pahuhuli kasi pag di kayo nakanood sa pasko di kayo in.”

Isa sa sinasabing mahigpit niyang makakalaban ay ang launching movie ng anak ni Kris Aquino na si Bimby kasama ang isa sa mga child superstars ngayon na si Ryzza Mae Dizon. Nagbigay naman ng reaksiyon si Uge dito. “Hindi naman ako natatakot sa mga bata. Mas masaya nga yun eh kasi mas maraming mapagpipilian. At tsaka pag pasko hindi lang isa pinapanood ng mga tao di ba? Minsan na anim, pito kasi maraming Aguinaldo. Ako rin manonood.

Marami rin sa mga fans ng pelikula ang nagtatanong kung ngayon ba, maliban sa pagiging isa sa mga producer, kung may partisipasyon rin si Piolo Pascual bilang actor. Mismong si Eugene ay hindi din sigurado sa magiging takbo nito sa ngayon. “Busy kasi siya eh, meron siyang movie. Pero most of the time meron siyang surprise so di ko pa alam.

At ang kanyang bagong leading man na si Sam, all praises kay Eugene lalo na nung napanood niya ang pinakaunang Kimmydora. “I mean after watching Kimmy Dora especially the first, naging fan ako and ngayong kasama na si Uge na napakagaling talaga, it’s going to be all the fun talaga.”

Sa kanyang teleseryeng Huwag Ka Lang Mawawala, ilang beses sinabi ni Sam na malaki ang naitulong ni Judy Ann Santos sa kanyang pag-arte. Naniniwala si Sam na matuturuan din siya ni Uge na ilabas ang kanyang pagiging komedyante. “Ilalabas niya yung comedy side ko kasi ito naman first time namagco-comedy.”

Dagdag ni Eugene dito, “Minsan yung mga nagda-drama akala nila hindi sila marunong mag-comedy pero sa totoo lang minsan yung mga nagda-drama ang galing nila basta mabigyan lang sila ng magandang script. Actually para sa akin mas may appreciation sa mga comedians kasi para sa akin mas mahirap talaga patawanin ang mga tao kaysa paiyakin. Di ba? It’s easy to make other people cry pero iba yung timing ng comedy so ito na-perfect yung comedic timing talaga.”