• Home
  • Fresh Scoops
  • Paul Soriano on proposing marriage to Toni Gonzaga: 'I think the right time is very soon'

Paul Soriano on proposing marriage to Toni Gonzaga: 'I think the right time is very soon'

Paul Soriano is not in a rush about popping the question to long time girlfriend Toni Gonzaga.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

8/2/2013 9:56 AM
Paul Soriano on proposing marriage to Toni Gonzaga: 'I think the right time is very soon'


080213-direk_main.jpgIdineklara noon pa ni Toni Gonzaga na kung ikakasal siya, nais niyang ikasal kapag nakatungtung na siya sa edad na 30 years old. Ngayong 29 na ang aktres, marami ang nagsasabing nalalapit na nga ang pagpo-propose ng kasal kay Toni ang long time boyfriend nitong si director Paul Soriano. Lalo pang umingay ang isyu dahil nag-enroll sa isang culinary class si Toni na sinasabing preparasyon niya sa buhay may-asawa.

Hindi pa man napapatotohanan ang mga balitang pagpapakasal, kumpirmado naman na si Direk Paul mismo ang nanghimok kay Toni na mag-enroll sa nasabing klase. “I think it’s good plus when your wife knows how to cook… I’m happy that she’s learning now how to cook good for me and for our future,” ayon sa direktor sa isang panayam sa Cinema News.

Noong July ay nagdiwang ng ika-anim na anibersaryo sina Direk Paul at Toni. Dahil nalalapit na ang sinasabing sumpang “seven-year itch,” ito lang ang kaswal na sagot ni Direk. “I read about that but I think definitely tuluy-tuloy. We’ve been together for six years. But six years of understanding showbiz, I think we’ve lasted, so the foundation is really strong.”

Minsan nang nabanggit ni Toni na sa oras na magpropose ng kasal si Direk Paul ay tatanggapin niya ito agad-agad. Say ni Direk, “That’s good to know, because that’s also my reaction, that’s the way I feel, so I think it’s just a matter of time. The ball is in my court, I’m the guy I’m not pressured naman. I think the right time is very soon.”