• Home
  • Fresh Scoops
  • Zanjoe Marudo reveals what he thinks about girlfriend Bea Alonzo's kissing scenes

Zanjoe Marudo reveals what he thinks about girlfriend Bea Alonzo's kissing scenes

Zanjoe Marudo says Bea Alonzo is very professional and that it would be unfair to think of anything else when she has to do kissing scenes.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

8/16/2013 9:59 PM
Zanjoe Marudo reveals what he thinks about girlfriend Bea Alonzo's kissing scenes


081713-Zanjoe_Main.jpgKamakailan ay pumirma ng exclusive two-picture contract si Zanjuoe Marudo sa Star Cinema at nagpapasalamat ang actor sa muling pagtitiwala ng movie arm ng kapamila network sa kanya. “Napaka-blessed ko na binigyan ako ng importansya ng Star Cinema dahil sa kanila naman ako nagsimula at sa kanila ko naggawa yung mga gustong-gusto ko like One More Try saka Bromance.”

Ayon kay Zanjoe napakalaking bonus pa na maliban sa kanyang guaranteed contract ay naibibigay sa kanya ang mga roles na gusto niya. “Nakakatuwa na yung mga gutso kong project e sila ang nagbibigay and hindi lang nila ako nilalagay sa isang klase ng istorya o isang klase ng character, nilalagay nila ako sa mapa-drama o mapa-comedy. May tiwala sila sa akin kaya ang sarap nung pakiramdam.”

Ang dalawang pelikulang huli niyang ginawa—ang One More Try na nakasama sa 2012 Metro Manila Film Festival at ang Bromance na kanyang first starring role—ay naging maganda ang pagtanggap sa manonood at sa takilya. Nang matanong kung nabawasan na ba ang pressure na kanyang nararamdaman para maptunayan ang sarili sa kanyang pagganap sa pelikula, aniya, “Hindi mawawala yung pressure. Lagi namang nandun yun e kasi iba-iba projects yun e, kakaiba yun. At bawat proyekto pinaghahandaan, hindi ka dapat makampante kasi kumbaga tapos na yung isa, bago naman yun. Hindi rin naman sigurado kung ganun din ang kalalabasan ng iba.”

Nakatrabaho na nga ni Zanjoe ang ilan sa mga magagaling na aktor at aktres ng henerasyong ito pero kung siya lamang ang masusunod, hiling niyang makasa sa isang proyekto ang Star for All-Seasons na si Gov. Vilma Santos. “Sana magkasama kami kasi pareho kaming taga-Batangas. Dream come true yun kapag nakatrabaho ko siya.”

Napag-usapan na rin ang nais niyang makatrabaho, natanong ng Push.com.ph kay Zanjoe kung ano ang kanyang dream role. “Siguro kung sa comedy gusto ko maging superhero, although sa TV, (via the show Super Inggo as Super Islaw) oo, pero sa movie dream ko din maging superhero. At sa drama naman maging seaman ako o OFW kasi gusto ko makaggawa ng ganung klaseng pelikula sa ibang bansa para maintindihan ng mga tao kung ano ang pinagdadaanan ng mga nahihiwalay sa pamilya.”

Malapit din sa puso niya ang Star Cinema dahil maliban sa trabaho, maging ang personal na buhay niya ay may naibahagi ang film production na ito sa kanila ng kasintahang si Bea Alonzo. “Oo dahil nagkakilala talaga kami at naging close kami nung ginagawa namin yung Sa Iyo Lamang so dun. So si Tita Malou (Santos) ang isa sa mga natutuwa na naging close kami ni Bea.”

Matapos ang matagumpay na Z Golf Cup na nagsilbi na ring birthday celebration ni Zanjoe na inasikaso ni Bea, natanong kung may iba pa silang ginawa ng kasintahan para ipagdiwang ang kanyang kaarawan, tulad ng pag-travel sa ibang bansa. “Hindi e, hindi na kami nakapag-out of the country kasi nagstart na siya ng shooting ng bagong movie at ako nagtuloy-tuloy lang yung taping ko ng Annaliza, so yun. Hindi naman namin kinailangan umalis kasi napakasuccesful naman nung nangyari nung birthday ko, lahat ng kaibigan ko umattend, lahat ng mga importanteng tao sa buhay ko.”

At ngayong gumagawa ng pelikula ang kanyang girlfriend na si Bea kasama si Dingdong Dantes, hindi na rin namin maiwasag matanong kung kumportable ba siya sa mga kissing scenes na kanilang gagawin. “Pagdating sa ganyang mga trabaho, nakatrabaho ko na si Dingdong, nakatrabaho ko na si Bea at napaka-professional nila pagdating sa trabaho at wala e. Yun talaga yung trabaho namin so wala kaming pwedeng isipin dun at ako din naman napaka-unfair ko naman kung meron akong masasabi.”