Enchong Dee speaks up about being Star Cinema's 'favorite'

Enchong Dee believes that his working attitude is one of the reasons Star Cinema renewed his contract.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

8/16/2013 9:33 AM
Enchong Dee speaks up about being Star Cinema's 'favorite'


081613-enchong_main.jpgMuling pumirma ng kontrata si Enchong Dee sa Star Cinema at ibinhagi niya ang kanyang kasiyahan sa Push.com.ph. Aniya, “I am just so happy na again, makakagawa nanaman ako ng pelikula sa Star Cinema and nakakatuwa kasi lahat nung, like yung contract ko, like bago ito, hindi pa siya nageexpire. Nagawa ko na lahat ng pelikula na kailangan kong gawin, may panibago na agad. And I am just so happy na hindi pa man nage-expire yung isa may panibago na agad.” Two-picture contract ang pinirmahan ni Enchong Dee sa nasabing film production.

Bali-balita noon pa ang pagiging paboritoa diumano ng Star Cinema ang aktor dahil sa mga sunod-sunod na proyekto nito. Sa muling pagpirma ni Enchong, muling lumalakas ang sinasabing pagiging paborito sa kanya. Nang kunin ng Push ang reaksiyon niya dito, “Baka nga embrace ko na din, embrace ko na lang. Kumbaga hindi mo rin masasabi kung saang parte ka naging favorite but I guess its just [my] working habit, kung paano ka makisama sa tao, kung paano ko gawin yung trabaho. Malaking bagay yun kung bakit ka nila bibigyan ng importansya o bakit ka yayakapin sa pamilya nila. Siyempre kailangan pakitunguhan ng maayos yung katrabaho mo and I guess I’m just happy na yung mga ginagawa ko is just rightful for every project.”

At sa tanong na kung pakiramdam niya ay angat na siya sa mga kasabayan niyang aktor dahil dito, “Sabik kasi ako e, sabik ako sa trabaho.”

Napag-usapan din ang kanyang seryeng Muling Buksan ang Puso at maligaya din si Enchong sa patuloy na magandang pagtanggap sa kanilang programa sa Primetime. “Masaya ako kasi ito yung pinakaunang soap na every after gap nakakapagtweet ako at nababasa ko mga reaction niyo kasi bago lang ako sa Twitter. And I am happy na yung mga tao very responsive dun sa teleserye at alam namin yung sinasabi nila, alam namin kung sino yung nanonood, although I am just thankful. Maraming, maraming salamat po sa mga nanonood sa inyo sa Primetime Bida.”

Ibinahagi din ni Enchong ang kanyang bagong mga naging ka-close sa paggawa ng serye. “Si Cherie Gil surprisingly. This was the second time we worked. The first time was in Katorse hindi pa kami [naging close] kasi we’re unrelated there so wala kami masyadong eksena pero ngayon kung pansinin niyo, si Pilar Pilapil, si Cherie Gil parang magkakapamilya talaga kami. The way we talk, the way we throw lines na-imbibe na namin na nanay kita, lola kita, so ang sarap lang na magagaling yung kasama mo at nahahawa ka.”

Nagsalita din si Enchong tungkol sa pagiging sentro ng love team ni Julia at Enrique sa Muling Buksan Ang Puso, “To begin with alam ko kung ano ang patutunguhan ng soap so alam ko kung ano ang lugar ko, kung ano ang lugar nila so I am very supportive with that.” Maging ang panibagong closeness nila ni Julia ay nabanggit din ng actor. “Yeah, and we are happy na we even improved na okay kami nagsimula. At ngayon mas nagiging okay pa like everyday. At malaking tulong yun with the characters we play everyday.”

Ngayon may bagong kontrata sa pelikula si Enchong at may teleserye sa kasalukuyan at kabilang siya sa isang variety show, halos naggawa na ang lahat sa kanyang edad. Nabiro siya kung nais niya rin bang magka-music album. “Baka mawala lahat ng trabaho ko kapag pinapirma nila ako ng singing album.” At kung may interes ba siyang gumawa ng isang dance album dahil magaling din naman si Enchong sumayaw, “Sa ngayon masaya muna ako na people commend me as an actor o panindigan ko yung titulong binigay nila sa akin as an actor dun muna ako nakafocus but you’ never know. Pero bago muna ako gumawa ng isang album, yung hindi naman ako tutuksuhin ng mga kaibigan ko or half-baked. Gutso ko kapag bumili sila ng CD worth it yung perang ibabayad nila.