• Home
  • Fresh Scoops
  • Perkins Twins excited to start their career in the Philippines

Perkins Twins excited to start their career in the Philippines

Sa Trending Balita sa Bandila noong August 14, tampok ang Perkins twins na sina Jesse at Christian. Sila ang pinakabagong recording artists ng Star Records at ang latest single nila ay “Ikaw na” na si

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

8/15/2013 10:03 AM
Perkins Twins excited to start their career in the Philippines


bandila1_main.jpg

Sa Trending Balita sa Bandila noong August 14, tampok ang Perkins twins na sina Jesse at Christian. Sila ang pinakabagong recording artists ng Star Records at ang latest single nila ay “Ikaw na” na siyang theme song ng isang segment sa Bandila na hosted ni Boy Abunda.

Pinanganak sa Pilipinas at pinalaki sa America sina Jesse at Christian. Nahilig ang dalawa sa sports pero ayon sa report “mas nanaig ang hilig nila sa showbiz” kaya naman nandito na sila sa Pilipinas para subukan ang kapalaran sa showbiz at ipamalas ang galing sa pagkanta.

Ipinamalas din nila ang kanilang excitement sa pagiging guest sa show at sa mga opportunities na naghihintay sa kanila dito sa bansa. At ayon rin sa kanila, lumipat na sila dito sa Pilipinas “to be really immersed in the culture” para ma-pursue nila ang kanilang karera at mas mapagbuti pa nila ang kanilang talento.