Sa Trending Balita sa
Bandila noong August 14, tampok ang Perkins twins na sina Jesse at Christian.
Sila ang pinakabagong recording artists ng Star Records at ang latest single
nila ay “Ikaw na” na siyang theme song ng isang segment sa Bandila na
hosted ni Boy Abunda.
Pinanganak sa Pilipinas
at pinalaki sa America sina Jesse at Christian. Nahilig ang dalawa sa sports
pero ayon sa report “mas nanaig ang hilig nila sa showbiz” kaya
naman nandito na sila sa Pilipinas para subukan ang kapalaran sa showbiz at
ipamalas ang galing sa pagkanta.
Ipinamalas din nila ang
kanilang excitement sa pagiging guest sa show at sa mga opportunities na
naghihintay sa kanila dito sa bansa. At ayon rin sa kanila, lumipat na sila
dito sa Pilipinas “to be really immersed in the culture” para ma-pursue nila
ang kanilang karera at mas mapagbuti pa nila ang kanilang talento.