• Home
  • Fresh Scoops
  • Xian Lim on his fans: 'Yung time na binibigay nila is priceless'

Xian Lim on his fans: 'Yung time na binibigay nila is priceless'

Fans asked Xian about his future girlfriend and the actor answered he's looking for true love just like everyone else.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

8/1/2013 3:52 PM
Xian Lim on his fans: 'Yung time na binibigay nila is priceless'


080113-xian_main.jpgNakakatuwa na nagbigay pugay si Xian sa kanyang mga fans. “Yung time na binibigay nila is priceless. Sabi ko kahit ano pang gifts ang ibinigay nila hindi yun tutumbas sa time and effort na binibigay nila sa amin.” Napag-usapan kasi ang block screenings na in-organize ng mga fans at naikuwento ni Xian sa "Bandila" kay Ikaw Na segment host Boy Abunda na, “Nakapunta ako sa tatlong block screenings today at no’ng nakita ko yung mga tao very happy naman sila.”

Sinagot ni Xian ang ilan sa mga katanungan ng kanyang mga fans na binasa ni Tito Boy. Ito ang sagot niya nang tanungin tungkol sa nararamdaman niya sa pagiging only child niya. “Tahimik, very tahimik Tito Boy nakakaranas ako  kunwari magisa lang ako ng [makes a long piercing sound], but I like being an only child kasi nasa akin lahat ng atensyon ng parents ko.” Dagdag pa ni Xian, “It’s a change for me halimbawa si Kim nakikita ko na kasama niya yung brothers and sisters niya. Parang, ‘Whoa!’ Ang galing pala, ganito pala ang bonding [nila]. Ang pinaka-bonding ko kasi [mga] pinsan lang e.”

Sinagot din niya ang tanong tungkol sa gusto niyang ipamana sa mga anak niya kapag siya ay naging isang ama na. “Ang gusto ko mamana nila yung ugali ko na sobrang tipid, sobrang tipid na talagang ka-calculate-in muna nila yung expenses [kung] kaya ba [o] hindi kaya.” Sinegundahan naman ito ni Tito Boy na nagsabi na para sa kanya, “Hindi naman masama ang pagiging kuripot.” Tito Boy even quoted Suze Orman, isang financial guru na ang advice sa mga tao ay “to live within your needs” and to enjoy saving. 

Ang isang fan naman nagtanong kung gaano kahalaga sa buhay ni Xian si Kim. Xian said, “Siyempre mahalaga. Ang kapal naman ng mukha ko kung sabihin kong so-so, okay lang. And she played a really big part in my life kasi nung nabigyan po ako ng break nandun po siya. P’wede naman niyang sabihin na bakit siya, but she didn’t.” Tito Boy also said, “Na parati naman sinasabi ni Kim na noong kailangan niya ng kaibigan naroon ka rin.”

Ayon din kay Xian tungkol sa magiging girlfriend niya, “it doesn’t matter Tito Boy para sa akin kung showbiz or non-showbiz, basta ayon nga kay Ramon Bautista true love pa rin ang hanap nating lahat.” Natawa naman si Xian nang sumundot si Tito Boy ng, “nagkataon lang na taga-showbiz si Kim.” 

Binahagi rin ni Xian ang experience niya noong mga panahon na hindi siya crush ng crush niya. “Nung mga awkward stages in life na hindi ko alam kung papano pumorma, makipagusap sa tao.” Naranasan na rin daw niya maghabol nang hindi pinapansin. “Oo naman, naranasan ko na yung sa sobrang nervous ko malalapitan ko siya yung [masasabi kong] ‘Hi’ [then] matataranta na ako.." Magpapakasal daw si Xian Lim sa edad na “under 40.”  Dagdag pa niya, “pero para sa akin kung magpapakasal man ako established na ako, meaning may business na ako, I’m set. I want to be set.”

Natawa rin si Xian nang tanungin siya kung hindi ba siya nagtatampo kay Kim kapag nakukurot o nababatukan siya nito at nasasabihan siyang “ang kapal ng mukha mo.” “Hindi naman si Kim ganyan na talaga siya e.” Nag-agree si Xian kay Tito Boy na kapag hindi ginawa ni Kim ‘yon parang hindi na siya si Kim. “Oo parang siguro may problema ito, [or] siguro may pinagdadaanan ‘to.”Kinumusta ni Tito Boy ang side trip ni Xian at Kim sa Paris noong nagkaroon sila ng show sa London. Sinabi naman ni Xian Lim na first time niyang nakita ang Eifel Tower at kasama nila ni Kim ang lola at nanay ni Xian nang pumunta sila sa Paris.Ito naman ang sinabi ni Xian tungkol sa character niyang si Alex Prieto sa pelikula. “Si Alex Prieto po, dito sa movie i-explain ang journey nila ni Sandy Veloso because Alex needs Sandy for something really big in his life.”

Nagtapos ang interview sa pagsagot ni Xian na, “Oo mahal ni Xian si Sandy,” ang character ni Kim sa pelikulang Bakit hindi Ka Crush ng Crush Mo.