• Home
  • Fresh Scoops
  • Precious Lara Quigaman admits experiencing postpartum syndrome

Precious Lara Quigaman admits experiencing postpartum syndrome

Precious Lara Quigaman admits that after giving birth she experienced post partum symptoms.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

8/1/2013 9:30 AM
Precious Lara Quigaman admits experiencing postpartum syndrome


080113-lara_main.jpgSa ginanap na presscon ni Precious Lara Quigaman para sa isang skin and body clinic, kitang-kita ang laki ng ibinawas sa timbang ni Precious magmula nang ipanganak niya ang kanilang anak ni Marco Alcaraz walong buwan na ang nakakalipas. Ayon sa kanya, naging posible ang pagbawas ng kanyang timbang dahil sa tamang diet at healthy lifestyle.

Dagdag pa niya malaki ang naging tulong sa kanya ng kanyang ineendorsong skin and body clinic dahil marami siyang natututunan sa wastong paraan ng pagpapapayat. “You also learn so much about food and nutrition, and that’s very important when you are trying to lose weight and it’s something you can integrate in your everyday life.”

Aniya naging malaki din ang kanyang pagbabago sa paraan niya ng pagbabawas ng timbang kumpara noon. Kwento ng beauty queen, “Sobrang laki ng pagbabago sa diet ko. Kasi before akala ko when you eat less, yun na yung tama. Dati, hindi ako kakain ng rice, one meal a day lang ako. Mali pala yun.” Dagdag pa ng beauty queen, “Now I get to eat four to five times a day… with the right food and portions. It works hand in hand with the slimming program, that’s why I lost inches effortlessly.

Ayon sa kanya, nae-enjoy niya ng husto ang kanyang pagiging ina. Lumabas ang ilang mga balita na dumanas daw ng post partum syndrome ang beauty queen na kanyan rin namang inamin. “After kong manggaling sa hospital, nung inuwi ko na yung baby. Kasi wala kaming mga mama at mommy sa bahay, kaming dalawa lang talaga ni Marco. Siyempre sa hospital may mga doctors at nurses na nag-aalaga sa baby. Pagdating ko sa bahay… iyak lang ako ng iyak kasi hindi ko alam ang gagawin ko. Sobra akong lungkot na feeling ko ang helpless ko kapag may nagyari sa baby.”

Ngunit sa kabila ng kanyang pinagdaanan, ayon kay Precious Lara, nais pa rin niyang magkaroon ng maraming anak. “Susundan namin siya pero kapag mga four years old na siya para ma-enjoy naman namin siya.