• Home
  • Fresh Scoops
  • Benjie Paras says he talks to his kids regarding communication with their mother

Benjie Paras says he talks to his kids regarding communication with their mother

The former basketball player says he cannot force his children Andre and Kobe to meet with their estranged mother, Jackie Forster.

BY PATTY RAMIREZ

FRESH SCOOPS

7/7/2013 9:23 PM
Benjie Paras says he talks to his kids regarding communication with their mother


070813-benjie_main.jpg“Give us space.” Ito ang hiling ng mga anak nina Benjie Paras na sina Andre at Kobe sa kanilang inang si Jackie Forster na nailathala sa isang pahayagan. Sa mga salitang ito, lumalabas na parang ayaw makasama ng mga bata ang kanilang inang si Jackie at diumano’y impluwensya ito ng basketbolista. 

Taong 2003 nang ma-annul ang kasal nina Benjie at Jackie at ang kustodiya ng mga bata ay napunta kay Benjie. Katuwang ni Benjie sa ngayon ang bago niyang asawa sa pagpapalaki ng kanyang mga anak, habang si Jackie ay nagkaroon na din ng sariling buhay at bagong pamilya sa Malaysia. 

Ayon kina Andre at Kobe, dumanas sila ng trauma sa kanilang ina kaya’t mas gugustuhin daw nila ngayon na wag muna magkaroon ng kahit anong ugnayan kay Jackie.   Sa social media naman, naglabas ng saloobin si Jackie at siya ay isang inang nangungulila sa kanyang mga anak. Wag na daw sana palakihin ang issue at gusto rin niyang protektahan ang kanyang pamilya ngayon. Sabi pa ng dating aktres maari daw siya maglabas ng impormasyon na makakasira sa mga taong naninira din sa kanya. Masakit daw at kailangan niyang protektahan si Benjie at ama ito ng kanyang mga anak pero baka daw maintindihan ng publiko ang mga pangyayari kung sinabi niya ang katotohanan. 

Nagsalita na si Benjie sa isyung ito ng makapanayam siya sa isang event ng The Buzz. Tahimik lang naman daw na tao si Benjie at ayaw na rin niyang lumaki ang mga isyu. “Yung mga anak ko na ang magdedecide diyan. Lumalabas dito ako yung napapasama. Ako ang may ayaw. Yung mga anak ko po matatanda na. Ang mga bata di po pwede turuan yan kung anong sasabihin nila. May sariling buhay na sila. May sariling pakiramdam.” Alam din daw niya ang rason kung bakit ayaw makipagkita ng kanyang mga anak kay Jackie pero hindi na niya ito isiniwalat pa sa press. 

Gumagawa naman daw ng mga paraan si Benjie at ang kanyang asawa para mapalapit muli ang loob ng mga anak kay Jackie. “Kinausap  ko. Kinausap naming magasawa. Dumaan na rin sa child psychiatrist yung mga bata. Di mo pwede pagsabihan ang mga bata , kung ano yung nakita nila, nakita nila. So kami lang, i-ga-guide namin sila as much as possible sa tama.” Five years ago pa daw huling nagkita ang kanyang dating asawa at mga anak sa harap pa ng isang lawyer at social welfare worker. Iginiit din ni Benjie na dumaan sa legal na proseso lahat ng tungkol sa kustodiya ng kanilang mga anak. 

Sa kabilang dako, nagpadala naman ng direct message sa Twitter si Jackie sa The Buzz tungkol sa issue. Sa ngayon ay abala daw siya sa pag-gawa ng isang video para sa kanyang mga anak. Pagkatapos daw niyang ipakita ito sa kanila doon daw siya magdedesisyon kung lalantad pa siya sa isang interview para matapos na ang usaping ito.