Baron Geisler, 'guilty' in sexual harassment case

The actor's counsel says they will appeal Baron's case in court.

BY PATTY RAMIREZ

FRESH SCOOPS

7/7/2013 9:15 PM
Baron Geisler, 'guilty' in sexual harassment case


070813-baron_main.jpgGuilty ang hatol ng korte kay Baron Geisler sa kasong kinasangkutan niya kasama ang anak nina Yayo Aguila at William Martinez na si Patrizha.  Noong Lunes, July 1, ibinaba ng Makati Metropolitan Trial Court ang hatol kay Baron sa kasong Acts of Lasciviousness. Hindi dumating ang aktor sa hearing dahil daw sa shooting para sa isang pelikula. 

April 25, 2008 nang mangyari ang pag-harass di umano ni Baron kay Patrizha sa isang bar sa Makati. Ayon sa dalaga, bigla na lang siyang niyaya ng aktor na makipagtalik kasabay ng paghawak nito sa maselang bahagi ng kanyang katawan. Matatandaan hindi ito ang unang pagkakataon na nasangkot ang aktor sa ganitong iskandalo. NIreklamo na din siya ng mga aktres na sina Yasmien Kurdi, Julia Clarete at Cherry Pie Picache dahil din sa diumano’y sexual harassment nito sa kanila.

Nahatulan si Baron ng anim na buwan hanggang dalawang taong pagkakakakulong. Pinagbabayad din siya ng P30,000 para sa moral damages kay Patrizha.  Ayon naman sa abogado ni Baron, magsasampa sila ng apela sa korte at di daw basta makukulong si Baron. Sinubukan ng The Buzz na kunan ng pahayag si Baron sa pamamagitan ng kanyang manager na si Arnold Vegafria ngunit tumanggi itong magpainterview. 

Ayaw na din magpa-interview ng kampo ni Patrizha pero nagpadala ng isang text message ang kanyang ina na si Yayo sa The Buzz. Hihintayin na lamang daw nila ang desisyon ng korte sa kontra-apela ni Baron.