• Home
  • Fresh Scoops
  • Enchong Dee reacts to Coco Martin's continuous affection for Julia Montes

Enchong Dee reacts to Coco Martin's continuous affection for Julia Montes

Enchong Dee says he is happy with his current friendly relationship with Julia Montes and adds there is no problem with him if Coco Martin continues to pursue the actress.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

7/6/2013 9:42 PM
Enchong Dee reacts to Coco Martin's continuous affection for Julia Montes


070713-enchong_main.jpgSa bagong teleseryeng Muling Buksan ang Puso, inaabangan ang muling pagsasama nina Enchong Dee, Julia Montes at Enrique Gil. Nagkasama na ang tatlo sa pelikula na The Reunion at The Strangers, at ilang programa sa telebisyon tulad ng Shoutout at ASAP. Sa panyam ng Push.com.ph kay Enchong, umamin siyang may pressure siyang nadarama sa kanyang pinakabagong serye na ito. “Of course yung pressure hindi mawawala, but I’m really, really excited with all the projects that are happening. I’m always excited kasi parating nabibigyan ng pagkakataon na palaging kakaiba yung ginagawa mo and hindi pa man lumalalabas yung isang buwan eh makakasama na ulit tayo... Kaya I’m just so thankful.”

Matapos ang matagumpay na pagtatapos ng Ina Kapatid Anak at pelikulang Four Sisters and a Wedding, kasabay ng kanyang teleserye ang pelikulang Tuhog kung saan kasama niya sina Eugene Domingo, Jake Cuenca at ang batikang aktor na si Leo Martinez. Masasabi isa nga sa pinakabusy at pinaka–in demand na aktor ngayon si Enchong at nagpapasalamat siya sa sunod-sunod niyang mga proyekto. Aniya, “Sobra akong thankful sa management kasi lahat naman ng proyekto na naaprubahan naman ng management eh, dumadaan sa lahat ng mga boss and I’m just so happy na kasama ako eh. Naaprubahan nila kaya yung pakiramdam na sa tingin mo along the way, bilang kapamilya ka, eh may nagagawa kang tama. Ibig sabihin, you’re on the right track. So pagpapatuloy ko lang and never stop learning and I will always be grateful for them.”

Sa naging personal na ugnayan nila noon ni Julia Montes, masaya si Enchong ngayon na maayos ang lagay ng relasyon nila ngayon bilang magkatrabaho. “Yun, isa pa din yung masayang-masaya ako, bago namin sinimulan mag-taping, bago namin simulan lahat sa Muling Buksan Ang Puso, pinag-ayos lahat. Nakapag-workshop kami, nakapag-usap kami. So now, kapag nasa set kami or kung san man kami magkakasama, madali na yung paguusap namin,  kumportable, we can joke around, we can talk anything na walang ilangan.”

Dagdag pa ni Enchong tungkol sa kanila ni Julia, “Masaya ako kasi nga parang di ba after all of what happened maayos na kami. Ngayon ata wala na kaming problema at I’m excited na mas mabalik pa yung pagkakaibigan namin na siguradong-sigurado and sa tingin ko naman mangyayari yun.”

Aminado si Enchong dati na naipakilala niya na si Julia sa kanyang pamilya at naisama niya na ang dalaga sa ilang mga family affairs ng mga Dee. Gustuhin man ni Enchong na muling isama si Julia, walang panahon at kulang sa oras ang dalawa. “Hindi pa naman kasi wala rin naman akong time, wala rin naman siyang time pero nagsabi siya na, nagka-text kami, sabi niya na kamusta ko siya sa mom ko. So alam mo yun, wala na talaga. I mean, kung anuman yung interpretasyon ng tao, meron kaming sariling relationship ngayon which is which is really really good as friends.”

Nagbigay din si Enchong ng opinyon tungkol sa patuloy pa ring pagpapadala ni Coco Martin ng bulaklak sa dating leading lady kahit na wala nang proyekto ang dalawa. “Wala naman problema dun. And I think naging vocal naman dati si Coco and there’s no problem with that. I’m really happy na she can go to Coco anytime or she can talk to Coco anytime about anything. Kumbaga parang pare-pareho lang kami ng mga kaibigan na handang sumuporta kay Julia whatever it is.”

Dagdag pa niya, “Sabi ko nga, masaya ako kasi naging daan yung Muling Buksan Ang Puso para maging ganito kami uli.

At sa tanong na kung may plano ba siyang ituloy ang naging ugnayan nila noon, “Hindi na siguro. Kasi kumbaga ayoko na sayangin yung pagkakaibigan na meron kami. Baka, imbes na maayos, okay na yung ganito lang. And I think we’re both happy wherever we are today.”