• Home
  • Fresh Scoops
  • Enrique Gil says 'Muling Buksan Ang Puso' isn't out to compete with 'Got to Believe'

Enrique Gil says 'Muling Buksan Ang Puso' isn't out to compete with 'Got to Believe'

Enrique Gil is not worried about 'Muling Buksan Ang Puso' and 'Got to Believe' launching at the same time.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

7/5/2013 11:17 PM
Enrique Gil says 'Muling Buksan Ang Puso' isn't out to compete with 'Got to Believe'


070613-enrique_main.jpgHindi pa daw masabi ni Enrique Gil ang kanyang buong nararamdaman tungkol sa nalalapit na pagpapalabas ng kanilang serye nina Enchong Dee at Julia Montes na Muling Buksan ang Puso. Aniya, “Kasi yung pakiramdam hindi pa ganun eh, siguro pag pinapalabas kasi alam ko mage-everyday taping kami. Dun pa lang magsi-sink in pag nakita ko na yung trailer sa TV. Parang ‘Wow! Ito nanaman sasabak nanaman sa TV.’ Kailangan maging ready lang talaga. So yun ang nasa isip ko, maging ready para rito.”

Kasabay ng kanilang programa ang launch din ang teleserye ng dati niyang nakasama sa seryeng Princess and I na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Kahit na malakas ng tambalan ng dalawa, walang pangamba na nararamdaman ang aktor dahil tiwala ito na parehong susuportahan at parehong dekalidad ang kanilang mga programa. “Sa akin lang, kung maganda yung story, maganda yung cast, kaya naman yan. Tsaka yung Got To Believe eh sabay naman yata kami ila-launch? So two fresh… I think magiging okay naman lahat. I think papanoorin naman ng lahat ng tao yung shows ng ABS-CBN so wala akong problema dun.”

Tiwala din si Enrique na susuportahan siya ng kanyang mga tagahanga na sumuporta din sa kanya bilang Prince Jao sa Princess and I. “Tsaka yung ibang supporters ng Princess and I, after ng Princess sabi nila kahit saan kami, supporters pa rin sila.”

Dahil sa naging personal na ugnayan nina Enchong at Julia, natanong si Enrique kung may ilang din ba siyang nararamdaman na ngayong makakatrabaho niya ang dalawa. “Ako pa maiilang ha? Hindi, hindi. Actually ung una sabi ko, ‘Paano ‘to kung magkaka-showing yung tatlo, paano sila?’ Eh yun naman pala, okay naman sila, wala naman daw silang problema, okay naman daw sila so. E di okay lang lahat.

At kahit na ilang beses nang nilinaw ni Enrique na hindi niya nililigawan si Julia ay paulit-ulit pa rin itong natatanong sa kanya. “Hindi. Bagong show liligawan ko agad?! Hindi ganun.

Natanong din si Enrique tungkol sa ex-girlfriend na si Coleen Garcia at sa ugnayan diumano nito sa anak ni Former President Joseph Estrada na si Jake Ejercito. “Ah may ganun? Totoo ba yan? Ngayon ko lang nalaman eh. Eh di okay, happy.”

At nang mapag-usapan muli ang lumalabas na isyung may itinatago itong non-showbiz girlfiend, muling itinanggi ni Enrique ang balitang ito. “Nanaman. Yan nanaman. Sinabi ko sa The Buzz yun. Wala yun. Fan lang yun sa show sa Bacolod, nagpa-picture lang… kapag meron sasabihin ko sa inyo.”