• Home
  • Fresh Scoops
  • Empress and Joseph Marco admit being inspired by their new partnership

Empress and Joseph Marco admit being inspired by their new partnership

Although Empress and Joseph Marco deny that there's any romance between them, they admit being inspired by each other.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

7/4/2013 8:35 AM
Empress and Joseph Marco admit being inspired by their new partnership


070413-empress_main.jpgIsa sa inaabangang bagong love team ngayon ay ang tambalang Joseph Marco at Empress sa Huwag Ka Lang Mawawala. Nagpaabot sila ng pasasalamat sa press sa suporta na kanilang natatanggap. “Siyempre masaya kami na talagang sinubaybayan nila ng buong-buo ang Huwag Ka Lang Mawawala at sana patuloy pa rin ang kanilang suporta,” panimula ni Empress. Dagdag din ni Joseph, “Ako siyempre sobrang thankful ko na ang daming sumusuporta kasi it’s been so long na ginawa namin ‘to buti naman umere na siya kaya sobrang grabeng thankful lang sa init ng pagtanggap ng mga kapamilya.

Isa si Empress sa mga magagaling na aktres ng kanyang henerasyon, na sinasang-ayunan din naman ni Joseph. At sa galing nito, kwento ni Joseph, nagmimistulang workshop na rin ang kanilang mga eksena para sa kanya. “Sobrang galing niya lang talaga. Parang kapag ka-eksena ko siya talagang nakakahugot ako sa kanya kaya nga sobrang thankful ako na siya yung naging love team ko. In a way, parang nawo-workshop niya rin ako sa eksena. Kaya thank you, Em.”

At sa tanong na kung inspirado ba si Joseph ngayon kay Empress, “Yes, siguro. She makes me happy and happy ako na katrabaho ko siya.” At nang ibinalik naman ang tanong kay Empress, hindi rin inaasahan ang kanyang naging pag-amin, “The same, siguro! Oo naman, siyempre. Kailangan naman yun sa bagong partnership di ba?”

Kaya naman sa bago nilang tambalan, hindi na rin maiwasan na maiugnay ang isa’t isa sa totoong buhay. Sa tanong na kung espesyal ba sila sa isa’t isa, ang palihis na sagot ni Empress, “Masaya naman ang buhay,” na agad na sinalo din ni Joseph, “Yeah, we’re just going with the flow, happy kami.”

Aminado naman si Empress na siya ay single sa kasalukuyan kaya naman sa posibilidad na kung sakali ay ligawan siya ng bagong katambal na si Joseph, “Siyempre hindi ko masasabing masasagot ko yan ngayon dahil ngayon lang naman kami nagkasama, nagkakilala. Siguro, sa tamang panahon. Kahit naman sino hindi agad agad masasagot yun. Siyempre kailangan kilalanin muna yung isa’t-isa.

Huling naitambal si Empress kay Ejay Falcon na inamin ding naging malapit at hinahangaan ang isa’t isa. “Friends lang naman talaga kami ni Ejay ever since. Hindi ko naman siya in-erase, friends pa rin talaga kami. Super proud ako sa kanya sa mga narating niya dahil alam ko na yun talaga yung pangarap niya sa career niya. Masaya ako para sa kanya at sana magtuloy-tuloy pa yung blessings niya.