Raymart Santiago denies accusations of Claudine Barretto

Tampok noong July 30, 2013 sa Star Patrol ang sagot ni Raymart Santiago sa akusasyon ng pananakit at pang-aabuso sa kanyang asawang si Claudine Barretto.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

7/31/2013 8:34 PM
Raymart Santiago denies accusations of Claudine Barretto


073113-raymart_main.jpgTampok noong July 30, 2013 sa Star Patrol ang sagot ni Raymart Santiago sa akusasyon ng pananakit at pang-aabuso sa kanyang asawang si Claudine Barretto. Ayon sa report, iginiit ni Raymart na hindi totoo na inabuso niya o pinagbuhatan ng kamay si Claudine. Ayon pa kay Raymart, marami ang makapagpapatunay na may kakayahan si Claudine na gumawa ng kuwento. Sasagot diumano ang kampo ni Raymart sa korte sa tamang panahon. Sinabi rin niya na napilitan lang siyang sumagot sa issue para na rin sa kapakanan ng kanilang mga anak ni Claudine.

Samantala, dahil na rin sa kahilingan ni Claudine, ni-reschedule ang pagdinig ng inihaing Temporary Proteksyon Order (TPO) ng aktres para bawalang makalapit si Raymart sa kanilang mag-i-ina. Nag-iissue rin ng gag order ang judge sa kaso. Muli, hindi nanaman matigil sa pag-iyak ang aktres sa pagbalik nito sa Marikina Regional Trial Court. Isinama niya ang kanyang kapatid na si Mitchie at ang kanyang abogado na si Atty. Ferdinand Topacio.