• Home
  • Fresh Scoops
  • Luis Manzano keeps mum about the issue between Jennylyn Mercado and Patrick Garcia

Luis Manzano keeps mum about the issue between Jennylyn Mercado and Patrick Garcia

Luis Manzano doesn't want to say anything in relation to Jennylyn and Patrick Garcia's conflicts about their son Jazz.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

7/31/2013 8:45 AM
Luis Manzano keeps mum about the issue between Jennylyn Mercado and Patrick Garcia


073113-luis_main.jpgJuly 9, 2013 nang mag-post ng litrato si Luis Manzano sa kanyang Instagram account na siya’y nasa ospital. Inakala nang marami na siya muling ang na-confine ngunit kinumpirma niyang ang kanyang kasintahan na si Jennylyn Mercado ang na-ospital dahil sa sakit sa tiyan.

Sa ulat ng Cinema News, nagsalita si Luis tungkol sa naging kalagayan na ito ni Jennylyn. “Akala namin grabe. Akala namin appendicitis pero simpleng tummy ache lang. Napakarami ko na yatang beses na na-confine na siya yung natutulog sa tabi ng kama kahit may taping pa siya o wala so of course, what better way to reciprocate the kindness is gawin ko yun para sa kanya.” Ngunit sa kasalukuyan ay balik na sa trabaho si Jennylyn. “She’s okay, she’s working, she’s very busy. Magsisimula nanaman lahat ng kailangan niyang gawin so everything is fine.” 

Ngunit muling nahaharap sa isang pagsubok si Jennylyn patungkol sa pamilya ng ama ng kanyang anak na si Jazz na si Patrick Garcia at ang ina nitong si Celeste Garcia. Diumano’y magsasampa ng kaso si Jennylyn laban sa ina ni Patrick dahil sa diumano’y mga negatibong kumento nito patungkol sa pagbisita ni Patrick kay Jazz at sa pagbabawal ni Jennylyn na ipakita ang anak kay Patrick.

Ayon sa Instagram account ng aktres, “I cannot help to conclude they just like to collect and show the kid according to amount. If it’s 50 thou and above per month, he gets to play with the kid, 25 to 40 thou he is only allowed to visit the kid in school by appointment and 25 below, they pick-up or you deliver the amount without seeing the kid.”

Kaya naman nang hingan ng pahayag si Luis patungkol sa isyung ito, nakiusap na lamang ang host/actor na huwag na siyang hingan pa ng kumento o opinyon tungkol dito. “I cannot comment on it, it is not my story to tell kung baga kwento nila yun si Pat bilang daddy ni Jazz and Jen, mommy ni Jazz. Wala ako dun I cannot comment. I guess the right thing to do for all parties is to be quiet about it.”

At sa post na ito ng ina ni Patrick na kumalat na sa internet, ilan sa mga kumentong nakasulat ay diumano mas malapit pa si Jazz kay Luis kumpara sa totoo nitong ama na si Patrick. Nang hingan ng reaksiyon si Luis tungkol dito, aniya, “Ayoko na pansinin pa, ayoko na pag-commentan. Anything to do with Jazz, iiwan ko lang. Either sa amin na lang dalawa yun or if there is anyone talking about Jazz si Jen yun.”