• Home
  • Fresh Scoops
  • Kim Chiu and Xian Lim talk about spending time together in Paris

Kim Chiu and Xian Lim talk about spending time together in Paris

Kim Chiu and Xian Lim explain what's holding them back from revealing the status of their relationship; plus stories about Xian's birthday and their trip to Paris.

BY RACHELLE SIAZON

FRESH SCOOPS

7/30/2013 8:55 AM
Kim Chiu and Xian Lim talk about spending time together in Paris


073013-kimxi_main.jpgMailap pa rin sina Kim Chiu at Xian Lim tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon. Nang tanungin sila kung ano ang pumipigil sa kanila na maging opisyal na magkasintahan, iginiit ng aktres na hindi naman importante kung maging sila ba o hindi. Sa ngayon ay ayaw lang talaga niyang magmadali pagdating sa larangan ng pag-ibig.

“It’s not our loss, it’s not your loss. Hindi madadagdagan kung ano man yung meron kayo ngayon. Pwede kayo magisip. Kasi kami rin, we don’t want to rush things. Ang dami nang nangyari. Gusto ko isa-isahin yung mga bagay. Nagpapasalamat ako kay Xian sa pasensya niya at willingness niya maghintay,” ani Kim sa panayam ng entertainment reporters sa kanila ni Xian sa ginanap na press con ng pelikula nilang Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo.

Paliwanag pa ni Xian, hindi naman daw kailangan ng label para mapatunayan niya kung gaano kaespesyal si Kim para sa kanya. “Hindi naman po kasi fair para maglagay ng label. Basta po pagbubutihin namin ang mga ginagawa namin. Nandiyan pa rin po ang pagmamahal, hindi ko po iniiba ang sinasabi ko po. Yung sinabi ko kanina, kailangan inspirasyon. Nandiyan po si Kim as my inspiration. At sinabi ko rin po na, every day, ang pagsasama namin, talagang mas lalo naming nakikilala ang isa’t isa, talagang mas lumalalim.”

Kamakailan lang ay magkasamang nag-ikot-ikot sa Paris sina Kim at Xian bago sila nagtungo ng London para sa isang concert tour ng ilang Kapamilya stars. Kilalang roamantic city ang Paris kaya’t tinanong din sila kung hindi ba sila na-develop sa isa’t isa gawa ng nasabing romantikong lugar. “Ay, nakakaloka. Na-in love talaga? Grabe kayo. Hindi naman siguro. Hindi ko alam. Ano bang tanong 'yan,” natatawang pag-iwas ni Kim.
 
Ayon pa sa aktres, dream come true talaga niya ang makapasyal sa pamosong Eiffel Tower sa Paris. Bukod dito ay wala naman daw naganap na romantic date sa pagitan nila ni Xian. “Dream ko kasi talaga makapunta ng Paris. Sobrang tagal ko na binook bago mag-show sa London dadaan muna ako dun. Pa-picture lang sa Eiffel tower solve na ako dun.”

Maging si Xian ay nag-enjoy sa kanilang side trip sa Paris. “Ako rin di ko na-imagine na mararating ko ang Paris. Masaya naman eh. Magkasama kami. Minsan, may sarili siyang lakad, minsan kasama ko mom ko at lola ko."
 
Bagamat malinaw na magkaibigan lang sa ngayon sina Kim at Xian, hindi pa rin maitatanggi ang espesyal na turingan nila sa isa’t isa. Sa katunayan, isang surprise birthday celebration ang inihanda ni Kim para kay Xian kasama ng mga kaanak nito. “Pwede ko ba ikwento,” tanong muna ni Xian kay Kim bago nagpatuloy, “Last year nag-dinner kami, puro kaibigan niya nakita ko dun [sa birthday ko]. This time, it really meant a lot. Pagpasok ko [ang nandun] family ko from the States na matagal ko ng hindi nakikita. People close to me."

Kwento pa ni Xian, may trauma siya pagdating sa pag-organize ng birthday party dahil kadalasan ay hindi dumadating ang kanyang guests. Kaya naman malaking bagay sa kanya ang ginawang surprise gesture ni Kim para sa kanyang kaarawan. “Hindi ako nagse-celebrate ng birthday ko kasi usually walang pumupunta. Nangyari na sa akin ‘yan so many times. Kaya nagpasalamat ako kay Kim.”

Nang tanungin si Kim kung may iba pa siyang regalo kay Xian, ito ang natatawang pahayag ng aktres, “Yun lang. Hahaha! Effort na yun noh. Pwede na yun. Cake, ganyan.”