• Home
  • Fresh Scoops
  • Ai-Ai de las Alas admits she is interested in running for congress in 2016

Ai-Ai de las Alas admits she is interested in running for congress in 2016

Ai-Ai de las Alas says she wants to run for office to make laws for women and children's rights.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

7/30/2013 8:40 AM
Ai-Ai de las Alas admits she is interested in running for congress in 2016


073013-ai_main.jpgPagkatapos ng emosyonal na panayam ni Ai-Ai de las Alas sa The Buzz noong Mayo 19 tungkol sa hiwalayan nila ng asawang si Jed Salang, sa unang pagkakataon, muling humarap si Ai-Ai sa mga press at sa Showbiz Inside Report para sa kanyang pinakabagong pelikulang Kung Fu Divas kung saan makakasama niya si Marian Rivera. Sa ekslusibong panayam sa kanya ni Carmina Villaroel, kinamusta ang aktres matapos ang kanyang pinagdaanan sa ngayo’y dating asawa. “Mabuti, mabuti naman at masaya,” ang akangiting sagot ni Ai-Ai. Kung nakapag-move on na ba siya, aniya, “Ganun talaga. Isipin natin na ang buhay ganun talaga. Part ng buhay yun.”

Ayaw na rin magsalita pa ni Ai-Ai patungkol sa dating asawa at ayon sa aktres, hindi niya na iniisip pa kung sakaling gustong makipag-usap pa ni Jed sa kanya. “Feeling ko kung meron man deadma na.” At sa usapin ng closure, kung kailangan pa ito ng aktres sa nangyari sa relasyon nilang mag-asawa, “Maybe not now. Siguro in God’s time malalaman natin yun. Yung sa akin thankful ako na kinaya ko yun. Thankful ako na I’m moving on kumbaga with flying colors. Salamat po kasi naggawa ko, kumbaga, mapasa ko yung nangyari sa akin na medyo matas naman yung grade ko.”

Matapos magbakasyon sa Amerika kasama ang mga anak, mag-isang bumalik sa Pilipinas si Ai-Ai. “Naku bukod sa nagbakasyon ako sa Amerika, ito busy ako para sa promotion nung film namin and exercise. Yung dati kong buhay, badminton, gym. Sabi nga ng coach ko ‘Road to redemption.’”

Kinumpirma din ni Ai-Ai ang kanyang planong pagpasok sa pulitika at pagtakbo bilang congresswoman sa 2016. Aniya, “Matagal ko nang gusto kaya lang kasi nag-usap nga kami ni Gov. Vi (Vilma Santos), ni Ate Vi na kung papasok ka ng pulitika by heart gawin mo ito. Kasi gusto ko kapag dumating ka na sa point na yun, gusto ko karirin mo talaga ang pagiging politician mo. Kumbaga ikaw ang iibig sa tao. Even before pa, kasi may mga laws ako na gusto ko din ibahagi, yung mga violence against women and children, yung about sa tayong mga babae na nahihiwalay, yung ganun. Kasi hindi naman lahat ng mga babaeng nahihiwalay may pera.  At naiintindihan kung ano yung nangyayari sa buhay nila so ako gusto ko tumulong.”

At sa lahat ng pinagdaanan ni Ai-Ai lalo na sa kanyang buhay pag-ibig, ibinahagi niya ang natutunan niya sa karanasang ito. “Ito siguro ano, love yourself and kapag minahal mo yung sarili mo makakita ka ng totoong magmamahal sa iyo and God is so great, God is so loving. Siya lang ang nakakaalam ng dahilan kung bakit Niya binibigay and yun lang. Parang thy will be done!”