• Home
  • Fresh Scoops
  • Randy Santiago defends brother Raymart in accusations of violence toward his wife Claudine Barretto

Randy Santiago defends brother Raymart in accusations of violence toward his wife Claudine Barretto

The director of the film “Raketeros” says it is not in Raymart's personality to harm his wife.

BY PATTY RAMIREZ

FRESH SCOOPS

7/28/2013 8:49 PM
Randy Santiago defends brother Raymart in accusations of violence toward his wife Claudine Barretto


072913-randy_main.jpgMatagal nang usap-usap ang di pagsipot ni Raymart Santiago sa birthday party ng anak nila ni Claudine Barretto na si Sabina. Matatandaan na napapabalita na rin na hiwalay na ang showbiz couple. “Oo Wala siya. Alam niya may party. Pinaalam ko sa kanya at tsaka sa pamilya niya,” ang malungkot na pahayag ni Claudine. 

Ayon pa sa isang interview kay Claudine ilang buwan nang ‘di umuuwi sa kanilang tahanan si Raymart. Subalit naguusap naman sila tungkol sa kanilang mga anak. 

Sa isang separate interview din kay Raymart ilang linggo na ang nakakaraan, sinabi niyang nagbigay daw siya ng regalo kay Sabina para sa kaarawan nito. 

Last Friday naman ay na-corner ng The Buzz sa presscon ng pelikulang “Raketeros” si Randy Santiago upang tanungin ang sitwasyon ng relasyon ng kanyang kapatid at ng aktres. Hindi man direkta ang pag-amin ni Randy sa paghihiwalay ng dalawa, sinabi nitong may pinagdadaanan ang pamilya ni Raymart sa ngayon. “Ang mahalaga siyempre huwag na silang mag-away kung ano man. Merong importanteng pag-usapan, alam naman natin may tamang lugar kung saan nila pag-uusapan yun. On our part naman ng pamilya, siyempre ‘di kami nakikialam.” 

Ayos naman daw ang kalagayan ng kanyang kapatid sa ngayon. “He’s very okay. Except for the kids, siyempre namimiss niya yun. Pero he’s coping and siyempre di maiwasan di ba ilang taon din niya kasama si Claudine,” sabi pa ni Randy. Dagdag pa nito, bibigyan naman daw ni Claudine ng pagkakataon si Raymart para mabisita ang kanilang mga anak. 

Mabuting ama naman daw ang kanyang kapatid at handa itong ipaglaban ang kanyang pamilya. “Si Raymart? Very focused. Ipaglalaban at ipaglalaban kung sino man di ba? Kung mga kaibigan ipagtatanggol niya, paano pa yung pamilya niya?” 

Aminado si Randy na bagama’t naguusap sila ni Claudine ayaw daw niya manghimasok sa problema ng kanyang kapatid. Pati ang sinasabing controversial video na ikinatrauma daw ni Claudine at ng kanyang mga anak ay wala siyang alam. 

Pati ang issue sa larawan na ipinost ni Claudine sa kanyang Instagram account na kung saan ay may pasa ito sa mukha ay kinuhaan ng reaksyon si Randy. “Hindi naman natin  malalaman yun siyempre. ‘Wag ako ang tanungin mo. Mas magandang tanungin yung mga naghahandle na dun sa sitwasyon.” 

Dagdag pa nito sa pagkakakilala niya sa kanyang nakakabatang kapatid, hindi nito kayang manakit ng kahit sino man dahil pati sila ay makakalaban ni Raymart sakaling mangyari man ito. “I don’t think so. From my end, pagsinaktan niya si Claudine, kami kalaban niya ibang usapan di lang ang pamilya nila, kundi pamilya namin. Laki-laki pa ng katawan niya, I don’t think he will do that.” 

Tumanggi naman magcomment si Claudine sa issue na ito.